92

89 6 0
                                    

HANNAH POV

Halos matumba na ako dahil gusto kong makalayo sakanila pero may sumusunod padin sakin, Hindi ko na talaga kayang maglakad kaya natumba nalang ako at umiyak na naman.

"Hannah, tulungan kana namin" si Rye.

"Hannah tulungan ka nalang namin ipunta sa kwarto niyo" dinig kong sabi ni Liam.

"Ayoko, iwan niyo ko dito!" Hagulgol na sigaw ko.

Naramdaman kong lumayo sila sakin pero alam kong hindi sila umalis siguro naghanap lang ng pagupuan nila.

Mahal ko na naman siya, sa tuwing nakakaharap ko siya bumabalik lahat ng nakita ko.

Ginawa ko lang 'yun dun sa lalaki para makaganti pero bakit parang ansakit na makita ko siyang nasasaktan.

"Umiyak ka lang hanggat gusto mo" bulong ng nasa tabi ko.

Tumingin ako dun sa nagsalita at nakita ko si Anthony na nakatingala.

"Bakit ka andito?! Diba Sabi ko iwan moko!" Sigaw ko.

"Ayoko nga, halika ako na magpupunta sayo sa kwarto niyo" tumayo siya at inalok niya ang kamay niya sakin.

Nagaalangan pa ako pero kinuha ko ito at tumayo nadin, nagulat nalang ako ng bigla niya akong buhatin ng pa bridal style.

"Hoy anong ginagawa mo!" Sigaw ko dahil sa panic.

"Huwag kang magulo mahulog ka" pabulong sabi niya.

Nagumpisa siyang ihakbang ang paa niya kaya kumalma nadin ako, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya dahil nakaramdam ako ng antok dahil siguro sa lasing.

KINABUKASAN...

Nagising ako na nasa kama na ako, napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit ng ulo ko, inalala ko kung anong nangyari kagabi pero wala akong maalala kahit katiting manlang.

Nag-shower ako at nagbihis nadin, nakita ko si Zin na nakakunot ang noo at naka-cross ang braso tapos naka-pout pa.

"Hoy anyari sayo?" Tanong ko kaya tumingala siya sakin, lumuhod ako para magkapantay ang tingin namin.

"Mukha po ba akong Zinc?" Tanong niya habang nakaturo sa sarili niya.

"Anong Zinc?" Naguguluhang tanong ko.

"Zinc! Sabi kasi nung Celestina dun na Zinc daw ako" pagsusumbong niya tapos binalik ang kamay niya sa pagiging-cross arm.

Celestina?

"Sinong Celestina?" Tanong ko ulit.

"'Yung bata dun Ate! 'Yung kapatid ni Ate Louise!" Sigaw niya at naiinis na.

"Ahh si Celeste, bakit naman Celestina tawag mo sakanya?"

"Kasi po ang hirap ibigkas pangalan niya kaya Celestina nalang po" ngumiti naman siya.

"Tch Sige huwag ka ng magalit, bata naman 'yun eh"

"Months lang naman po agwat namin, kaltukan ko kaya 'yun" pabulong nasabi niya at sumandal siya sa sofa.

"Hoy masama 'yan!" Awat ko sakanya.

"Opo Ate" sagot naman niya.

*****

Ilang buwan ang nakalipas at may pasok na naman, masyadong stress dito kesa nung grade 9, puro school works dito at mas stressable, puro papel at ballpen ang hawak bukod sa tako ng Bilyard. Ilang buwan pa ang nakalipas at nakamove on nadin ako.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now