21

105 6 0
                                    

IVAN POV

Nagpra-practice na kami dito sa court, maraming nanonood saamin na babae kaya maingay dito.

Pagkatapos naming magpractice nagwater break naman sabi ni coach.

"Dre, may tumatawag sayo kanina ako nalang sumagot" bungad saakin ni Andrei.

"Sino?" tanong ko kaagad at kinuha ang bottled water.

"Si Stella, meron daw silang dinner mamaya"

"Ano sabi mo?"

"Malamang sinabi kong busy ka at sasabihin ko nalang!" sigaw niya saakin. Tumango nalang ako.

Lately napapadalas ng lumalabas sila ng family niya ah.

"Lance ang galing mo!!" sigaw ng mga babae.

"Akin ka nalang!"

"Pakasal na tayo Andrei!"

"Free ako Ethan date tayo!"

Napabuntong hininga nalang ako ng marinig ko ang mga sigawan nila, Hindi ba sila na aalibadbaran sa mga pinagsasabi nila, Kase ako oo.

"Pagod na ako, anong oras na oh" reklamo ni Liam.

Lumapit saamin yung isang player si Castillo.

"Pwede na raw umalis sabi ni coach"

Agad naman kami tumayo at kinuha namin yung mga gamit naman, pumunta narin kami sa locker ng basketball player.

"Fuck, sakit ng hita ko"

"Ayus lang yan Jake, ipaputol mo nalang!" sigaw ni Andrei mula sa shower area.

"Gago kaba!" sigaw rin naman agad ni Jake.

Hindi ko nalang sila pinansin at naligo nalang pawis na pawis ako tangaina. Pagkalabas namin sa locker area nanguna naman agad si Liam.

"Hoy saan ka pupunta" hinila ni Andrei yung likod ng kwelyo ni Liam.

"Kay Rye, ano ba!" sigaw niya at pinipilit na tanggalin ang pagkakahawak ni Andrei sa kwelyo niya.

"Sama kami, ito naman hindi nagsasabi" kalmadong sabi niya.

"Tss" Singhal ni Liam at sumunod naman kami.

Nang makapasok kami sa bilyard room nakita kong nakaupo si Hannah sa tabi at tinitignan lang si Rye at yung mga kasama nila.

Nagpra-practice ba ito o ano.tss walang kwenta.

"Hoy Ikaw na Hannah" tawag sakanya ni Ryan.

Agad naman siyang tumayo at tumira, pagyuko niya, sakto namang nagkatinginan kami sinamaan niya ako ng tingin at tumira na siya,napasok naman yung bola.

Titira siya ulit at sa kabilang gilid naman siya nakapwesto, Ilang beses siyang nakatira at naihulog niya lahat yung bola except sa white na bola.

"Tangina mo. Sabi practice lang hindi totohanan" hinampas naman siya ni Rye ng tako nagmidle finger pa.

"Sabi kasing kayo nalang, tinatamad akong magpractice" reklamo niya.

Hambog amp.

"Paano ka namin hindi aayain, simula ng pumunta kayo dito nakatulala ka lang diyan" turo niya kung nasaan si Hannah kanina.

So ibig sabihin nung nakita ko siya kanina pa siya diyaan.

"Tss" Singhal niya at umupo na. "kayo nalang inaantok ako"

"Tangina!" reklamo ni Rye.

Narinig kong tumatawa sila Liam, Jake at Andrei sa tabi ko.

"Tayo nalang maglaro hayaan niyo muna" Sabi naman ni Niel.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now