18

115 7 0
                                    

HANNAH POV

"Hoy hintayin mo 'ko!" rinig kong tawag ni Rye mula sa likod.

"Ano ba!" sasapakin ko na sana yung humila ng braso kaso si Rye lang naman pala, nasa likod niya sila Katelyn medyo malayo sila saamin ng kaunti.

"Hintayin mo kami, pupunta daw kami ng cafeteria" Sabi niya.

"Iyon lang?"

"Anong iyon lang, tsaka bakit ba napaka- affected mo sa sinabi ko, nagtatanong lang naman" Sabi niya habang inaayos yung bag niya.

"Hindi ko gusto si Josh"

"Eh bakit mo sinabing may gusto ka kay Josh" bulong na sabi niya.

"Malamang, wala na akong masabi alangan naman sabihin kong nagseselos ako kila Lance at Stella" mabilis kong sabi sakanya, naiinis na talaga ako.

"Ahh so wala kang gusto sa kaibigan natin"

"Wala" agad kong sagot sakanya

"Okay" ngumiti siya saakin.

"Aray ko! Putangina ano ba!" tumingin ako sa harap ko kung sino yung nabungo ko.

Puta, bat andito 'to.

"Dre nahatid mo na si Stella!?" tumakbo si Andrei kay Lance at umakbay pa.

"I said to you before right, what your steps or look on your way" Mahinhin na sabi niya, Hindi ko alam kong nangiinis na ba ito o ano.

"Tss, Sabi mo lang tinignan ko yung inaapakan ko" I rolled my eyes.

"Tss" Singhal niya.

"Halika ka na kakain na tayo badtrip ka nanaman eh" pagkasabi niya hinila na akong papunta doon sa canteen.

Naririnig kong tumatawa sila kaya hindi ko nalang pinansin. Pumunta kami sa table nila Jake doon na daw muna kami mag-ti-table.

Naiwan kaming lima dito ako, Rye, Katelyn, Ethan, Lance. Masama kong siyang tinignan at tumingin naman siya saakin, iniwas ko nalang yung tingin ko at baka masapak ko pa siya magkaharap lang kami kaya madali ko lang masasapak pero huminahon nalang ako.

Tumayo si Ethan para tulungan ang mga kaibigan niya ganon rin si Lance masama pangtumingin saakin.

Anong problema neto.

"Kaunti nalang masasapak ko nayan" kinuyom ko ang mga palad ko at masamang tumingin sakanya.

"Huminahon ka nga" Sabi ni Rye saakin.

"Paano ako kakalma kung ganyan ugali niya" pagpipigil ko ng galit.

"Just calm down, okay" saway saakin ni Katelyn. "Kahit sapakin mo siya, Ikaw parin may kasalanan-"

"Siya kaya nauna"

"Kalmado lang yan pero nananapak yan ng babae"

"What?!" sigaw na tanong namin ni Rye at tumingin naman kami kay Lance.

Iwas na ako sa mga gulo dahil ayoko ng mapaaway pa ulit.

Tumango siya. "Sweet si Lance sa girlfriend niya pero sa ibang babae hindi. Kaya kung ayaw mong ma-kick out dito sa campus kalmahin mo iyang sarili mo" pagpapaliwanag niya.

"May connection ba si Lance dito sa campus?" tanong ni Rye kaya agad naman tumango si Katelyn.

"Actually kaming lahat. Ako, Liam, Anthony, Ethan, Jake, Andrei our parents are having a stockholders dito sa Valdez high school pati narin sa college campus and Lance grandma own this campus but 'yung Lolo niya ang nagha-handle ng paaralang ito" pagpapaliwanag niya.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now