54

99 6 0
                                    

HANNAH POV

Gusto kong matawa sa mga pinaggagawa niya lalo na nakita niya akong katabi, kita ko 'yun pati reaksyon pero hindi ko muna pinansin dahil sumakit ang ulo ko dahil sa alak.

Bumaba na ako dahil tinawag na ako nung maid nila, ayoko naman maging VIP.

Pagkababa ko bumungad agad sakin si Celeste na may hawak na sketch book.

"Ate!" Tawag niya sakin. "Tignan niyo po oh drinowing ko po kayo ni kuya nung nasa gate po kayo" pinakita niya tapos nagkagat siya ng labi.

Tinignan ko iyon at nakita kong nakaupo kami habang ako nakatingala at nakayuko naman si Lance, hindi kita ang mukha namin pero sa nakikita ko sobrang lungkot ni Lance ng gabing iyon.

Kaso nangialam nga lang ako.

"Maganda.. Sobra" hinimas ko ang pisngi niya kaya pumalakpak at tumalon siya.

"Thank you po" nawala bigla ang ngiti sa labi niya.

"Bakit?" Lumuhod ako sakanya para magkapantay ang mga tingin namin.

"Pero si kuya po ayaw niya po niyan" turo niya sa sketch book at naluluha na.

"Shush tahan na, maganda naman eh, Tanga lang talaga kuya mo magtingin" Sabi ko at napakunot naman ang noo niya.

"What's TANGA po Ate?"

Napalaki ang mata ko dahil sa tanong niya hindi yata niya alam kung anong ibig sabihin ng tanga.

"Wala salita lang 'yun pero huwag mong sasabihin iyon Lalo na sa nakakatanda sayo ah" Sabi ko at pinindot ang ilong niya kaya ngumiti siya at tumango.

Kinuha ko ang kamay niya at pumunta sa dining table nandoon na silang lahat at saktong kasya kaming lahat, Malaki ang bahay kaya malaki din ang dinner nila.

"Sige na kain na" Sabi ng Lolo nila Celeste.

Nagsimula na kaming kumain at may pinaguusapan sila Lolo at Lolo sila Celeste habang kami ay tahimik lang.

"Hannah" tawag sakin ng kung sino.

Tumingin ako at Lolo pala nila Celeste 'yung tumawag sakin.

"Bakit ho?"

"Are you okay? Sabi ng Lolo mo kanina did you kidnapped tapos Ilang beses kang nahampas na kung ano" Sabi nito.

"Ayos na ho ako, hinahanap ko lang ho 'yung gumawa sakin nito"

"Bakit mo naman hahanapin kung pwede naman ang mga pulis?"

"Bakit ko naman ho iaasa sa pulis kung kaya ko naman ho" Sabi ko at ngumiti sakanya pero hindi ito sarkastiko.

Tumawa siya at pati ang Daddy nila Celeste natawa din, pati si Lolo.

"I like your attitude!" Sabi niya at tumawa naman.

"You're not like other girls looks mahinhin" Sabi nung Daddy nila.

"See, she don't need help" dagdag pa ni Lolo..... Ko.

"Pero baka mapahamak ka naman sa mga ginagawa mo?" Singit ng Lola nila.

"Hindi naman ho, kilala ko naman kung sino gumawa sakin nito"

Shit mali.

"You know so we need to report this in pulis" singit ng Mommy nila.

"Hindi ho pwede, ako 'yung sadya nila at mas lalong lala kung mangingialam mga pulis"

"So you need help for Ivan" Sabi ng Lolo niya kaya napatingin si Ivan na tahimik kumakain.

"Hindi na ho, nandito naman si Rye"

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now