82

78 6 0
                                    


Dead.

Warning ⚠️

HANNAH POV

"Miss nakita na namin si Ylona" bulong sakin ng isang tauhan namin.

"Saan?" Agad na tanong ni Cy.

"Ate!!" Dinig kong sigaw ni Ylona at yumakap sa Ate niya.

"Anong nangyari sayo?! Bakita ganyan! May pasa ka!"

"Sinaktan ako nung tauhan ni Alcinder" umiiyak na sabi niya.

Nakita ng Magulang nila na puro pasa si Ylona kaya naman nagalit nanaman sila dito, sa lahat ba naman ng saktan nila bata pa.

"Ate" si Zin, sinenyasan nkya ako na umupo dahil mukhang may sasabihin sakin.

"Bakit?" Seryosong tanong ko.

"Pupuntahan niyo po ba si Mr. Alcinder?"

"Hindi pa, bakit mo naman natanong?"

"Sama ako" sagot niya.

Tumayo ako at hinila siya palayo sakanila, lumuhod ulit ako para magkapantay ang height namin.

"Hindi ka pwedeng sumama sakin kapag nagkakagulo, kapag may nangyayaring gulo saamin magtago ka dahil baka mapahamak kapa"

"Pero Ate---"

"Wala ng pero--pero basta gawin mo nalang sinasabi ko, nakikita mo 'yang dalawang iyan" turo ko kay Celeste at Hazel kaya tumango naman si Zin. "Sige ganito nalang 'yang dalawang 'yan mahalaga sakin, kaya protektahan mo sila, naiintindihan mo?"

"Paano po ako? Mahalaga po ba ulit ako sainyo?" Biglang niyang itinanong.

"Anong sabi mo?" Mahinahon na tanong ko.

"Mahalaga po ba ulit ako sainyo? Kasi po dati sabi niyo ako lang baby niyo, pero bakit po naging sila" turo niya kila Celeste at Hazel saka pinunasan luha niya sa pisngi.

"Anong bang sinasabi mo? Kasi alam mo naguguluhan ako sa mga ginagawa mo"

Gusto kong sigawan siya para masagot niya ang tanong ko pero nagsimula na siyang umiyak ng tahimik.

"Wala po, hindi niyo po ako kilala, ngayon niyo lang po ako nakilala" bawi niya sa sinabi niya at tumakbo sa tabi ni Lola.

"Ano! Sumagot ka ng maayus!" Pamimilit padin ni Cy.

"Hindi ako nakalaban kasi may baril sila ako wala!" Sigaw niya at yumakap din sa Nanay niya.

Ilang beses pa nilang tinanong-tanong si Ylona kung ano ba talagang ginawa sakanya.

KINABUKASAN......

"Good morning baby" bati ng jowa ko.

Another day, another kalandian na may halong bakbakan.

"Mmmmm good morning" ungol ko.

"Bumangon kana, hapon na oh mahal"

Bumangon ako at inayos ang buhok ko, naligo muna ako dahil nagdisisyon silang ako mismos ang maghatid sakanila sa Pangasinan at umuwi ulit dito pero hidni pa ako tapos magayos ng sarili ko ay may biglang gumalabong sa pintuan ko.

"Hannah" hingal na sabi ni Anthony.

"Bakit? Anyari sayo?"

"Oo nga Dre medyo hingal na hingal" si Lance.

"Si Hazel na wawala--"

"Ano?!" Sigaw naman ni Lance.

"Lumabas muna kayo, hindi ako makapag-explian, Lola mo nalang saka si Thompson"

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now