81

89 4 0
                                    


A/N:

Hindi ko alam kung day na nila sa Cebu basta part padin ito ng Cebu chapter.

****

Sanchez and Hermosa WAR

IVAN POV

"Tara magsilabas na kayo nagugutom ako" si Ate.

Lumabas kami at kumain nalang sa kusina, napansin kong wala si Hannah kaya nagtanong ako sa mga maid nila at ang sabi may susunduin sa airport, pagkatapos naming kumain pumunta kami sa salas pero may biglang pumasok.

"Sino sila?" Dinig kong tanong ni Jake mula sa likod ko.

"Ylona, call the grands here" si Cy.

Tumango siya at umalis na, si Hayden ang humarap sa mga bisita yata nila, pero nagkamali ako.

"What the hell are you doing here?!" Seryosong sabi niya.

"Oh come on! Your attitude is still your attitude when I saw you!"

"And nothing change you too, your still mapagbiro like that but your face getting older" mapangasar naman na tonong sabi niya kaya nawala ang ngiti sa mukha ng kausap niya.

"Your disrespectful in your olders!" sinapak niya si Hayden ngunit agad namang nakaiwas si Hayden.

"Louise go to the room with the kids" utos ni Ethan.

Buti naman naisip mo.

Pumunta naman agad sila Ate kasama ang dalawa ngunit si Zin hindi siya sumunod at nanonood lang ng away nila Hayden at 'yung olders ang tawag.

Nagulat nalang ako ng may biglang may nagpaputok ng baril, natigil ang laban nilang dalawa at tumingin naman ako sa kung sino ang nagpaputok ng baril, nakita kong seryoso ang mukha ng Lola ng mga Sanchez at siya ang nagpaputok at natamaan ang vase.

"Bitawan mo ang Apo ko kung ayaw mong dumanak ang dugo mo dito" seryosong sabi nito.

"My sister! Oh come on we just play here and just have fun and he enjoys it"

"Sinabi ko bitawan mo dahil ako mismo ang papatay sayo kapag may nangyari diyan!" Si Mrs. Sanchez.

Binitawan niya naman ito kaya si Cy ang umalalay palayo sa mga tinatawag nilang olders.

"Sister, why you didn't introduce me on your visitors" saka pa niya pinagtaasan ng kilay.

"Wala akong balak na ipakilala ka sakanila dahil alam kong malalaman din nila ugali mo, kaya bakit pa kita ipakikilala sakanila kung hindi na maayos ang bungad mo sakanila" pambabara niya.

Dinig ko pang kinitch niya ang dila niya. "It's fine for me, but where's Hannah?"

"Wala siya" seryosong sabi ng Lolo nila. "Dapat siya ang susundo sayo pero bakit nandito kana?"

"Ohhh what an ungreatful granddaughter, you always treated me well"

"We're not because you're shit" singit ni Hayden.

"Maybe we should leave, natatakot na ako" dinig kong sabi ni Danica.

Naramdaman ko ang kamay ni Rye na humawak sa braso ko at sinenyasan lang akong umalis dito gamit ang mata niya. Pero bago pa kami makaalis may padabog na sumipa sa pinto kaya bumukas ito, agad na bumungad saamin si Hannah na seryoso ang mukha.

"Hannah Lauren my favourite Pamangkin!" sigaw naman nito at aambang yayakapin si Hannah ngunit pinakita niya ang kamao niya sakanya.

Nilagpasan ni Hannah ang lalaki at lumakad siya papunta saamin. Lumuhod siya at kinausap si Zin.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now