16

125 7 0
                                    

HANNAH POV

"Sa wakas nakaring rin" agad akong humiga sa kama ko. "anong oras na?" tinignan ko yung cellphone ko at.

Putangina 2:36 am. Tapos maaga pa ako bukas, pakshet talaga kahit kelan.

Nagshower lang ako at pinatuyo ng buhok ko, Ilang oras lang pala ako mututulog. Pagkatapos kong magpaturo ng buhok hinayaan ko nalang yung mga gamit kong nakakalat sa sahig, may bukas pa naman.

KINABUKASAN...

"Hoy gumising kana diyan" narinig kong sabi ni kuya habang inaalog-alog ako.

"Teka lang, anong oras?" tanong ko sakanya.

"Mag-fa-five na" Sabi niya.agad akong bumangon at naalala kong 6:00 pala yung pasok ko.

Tumayo ako at kinuha ang twalya ko para maligo na, narinig ko si kuya na sumisigaw pero hindi ko nalang siya pinansi.

shit may flag ceremony ngayon.

Bnilisan ko Ang pagkilos,naguniform na ako ng nagsapatos na.

Pagtingin ko ng oras 5:30 am na, agad kong kinuha ang mga gamit ko at bumaba na. Nagpaalam na ako dahil baka malate pa ako.

Putangina kasi nag-Vigan pa.

Habang nag-da-drive ako medyo inaantok pa ako kaya mabagal ng kaunti 'yung pagmamaneho ko buti nalang at walang pulis kung hindi nacheck point ako nito wala pa naman ako sa legal age or license.

Pagdating ko sa Campus maraming bumabati saakin ng good morning. Walang maganda sa morning dahil kulang tulog ko, tapos third floor pa yung classroom ko.

Puta.

Pagdating ko sa classroom,nakahinga ako ng maluwag dahil nandoon pa silang lahat, tumingin ako sa relo ko 5:47 am na,tapos yung ring ng bell 6:00 am. Hindi pa ako nakakaupo nagtanong naman agad si Katelyn.

"Kamusta Vigan, puyat na puyat oh" turo sa m ata ko.

"Oo nga,hindi mo manlang kami sinama" nakapout pang sabi ni Anthony.

"Tss, unfair mo ah, parang others 'to" hinampas pa ng kaunti ni Liam 'yung kamay ko. "Teka si Rye? Hindi mo kasama"

"Gago dre, patay na patay ka kay Rye" siniko naman ni Anthony yung bewang ni Liam.

"I'm here, hays, buti nalang hindi ako late" agad na umupo sa tabi ni Liam, agad naman namula yung pisngi niya.

Putek, inlove 'to sa kaibigan ko,hindi ako naniniwala.

"Kalmahan mo lang Rye" Sabi ni Anthony at tumawa naman si Katelyn.

"What?" naguguluhang tanong ni Rye.

"May namumula kasi di-" agad naman binusalan ni Liam yung bibig si Anthony ng papel "tangina mo po, ipapakain mo saakin papel" tumayo siya at tinapon yung papel galing sa bunganga niya.

"Yuck! Ang kalat huh!" Katelyn flipped her hair.

"Arti mo!" sigaw ni Liam sakanya.

"Hoy ito kasi-" hindi natuloy ni Anthony 'yung sasabihin niya dahil nagbell na.

Pagkatapos ng flag ceremony may in-announced pa sila about sa Booth,Hindi ko alam kung ano yun pero medyo maganda naman excited si Rye at Katelyn kaya alam kong maganda 'yon.

"Hindi ka masaya sa announcement?" Napatingin ako kay Anthony dahil sa sinabi niya.

"Masaya" nakangiti kong sabi.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now