60

100 4 0
                                    

MISSION

HANNAH POV

"Ayus lang ako pero medyo masakit pa katawan ko" hinawakan siya sa katawan niya at para talagang masakit dahil may pasa siya sa braso niya.

"....Ikaw ano kaylangan mo?"

"Kaylangan ko tulong mo" agad na sagot ko, napayumuko nalang ako dahil narinig ko siyang tumawa.

"Talaga! Naks dati 'hindi ko kaylangan ng tulong dahil kaya ko sarili ko' " panggagaya niya sa boses ko dati.

"Tss para ka namang timang" aambang sasampalin ko siya sa likod ng palad ko.

Tumawa siya at pumapalakpak pa ang gago.

Pero nagiba siya. Literal.

Tumigil siya at sumeryoso ang mukha niya habang nagkamot ng batok.

"Sensya na! Ngayon lang kasi kita makausap ng ganito"

"Ayos lang pero pwede ka naman ng sumeryoso, siguro?" Naiinis na tanong ko.

"Hahaha, Oo pwede na" ngumiti siya at pero hindi nakalabas ang ngipin niya kaya mas lumaki ang pisngi niya.

"Kaylangan ko ng tulong para kay Thompson"

"Ahhh, ayoko sanang marinig 'yang pangalan nayan" nagkamot nanaman siya sa batok.

"Bakit? May ginawa ba siya sayo? Siya ba gumawa ng pasa mo?" Tatlong sunod sunod na tanong ko.

"Hindi ah wala siyang ginawa sakin, totoo niyan umalis na ako sa Larson"

Halos mabingi ako sa katahimikan na ginawa namin, Hindi ako magkapag salita at hanggang tingin nalang ang nagawa mo.

"Bakit? Este bakit ka pinaalis eh'di sinaktan ka nga"

"Hindi nga kulit mo, hindi ako pinaalis kusa akong umalis" yumuko siya at parang nahihiya sa sinabi niya.

"Paano? Buti pinayagan ka nila?"

Tumango siya at iniangat ang ulo niya sakto namang nagkatinginan kami at ngumiti siya.

"Pinayagan, kasi kaylangan alam nilang mawawalan sila ng malakas na pwersa pero sabi ni Thompson aalis nalang daw ako pero kung gusto ko pa daw na bumalik okay lang naman sakanila kaso pinili ko talagang umalis doon"

"H-hindi kaba nila sinaktan?"

Shit nawawala na pagkaangas ko, natatakot kasi ako baka may nangyari dito.

"Hindi, kaya ako umalis gusto ko ding magkaroon ng sariling Gang, diba 'yun 'yung sinabi ko sayo dati?"

'Balang araw magkakaroon ako ng sariling Gang at Ikaw ang prinsesa namin doon 'yung tipong Ikaw lang ang pro-protektahan namin saka pati pamilya mo nadin, 'yun talaga gusto ko eh pero ganito nangyari, pasensya na ah mahal ko" ngumiti siya at hinalikan ako.

Bigla nalang akong nakuha dahil sa na-isip ko nanaman iyon, ayokong isipin iyon dahil akala ko nagbibiro lang siya noon pero totoo pala.

"Huwag kana umiyak" tumawa siya habang pinapatahan ako.

"Hindi naman ako umiiyak ah" tumingin ako sa side ko at pinunasan ang luha ko sa pisngi ko.

"Ayaw mo bang nun?"

"H-hindi m-masaya ako para sayo, pero wala na tayo diba, tsaka tagal na nun"

"Alam ko pero mahal padin kita"

"Pero-"

"Alam ko, Hindi kita pipilitin dahil alam kong hindi mo ako minahal noon pa alam ko 'yun"

"Minahal din naman kita pero nakilala ko kasi 'yung leader na lintek ng Miana na 'yan"

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now