HANNAH POV
Isang buwan ang nakalipas at hindi kona maintindihan ang nangyayari sa buhay ko, pumapasok ako pero hindi nakatuon ang utak ko sa pagaaral. Ilang beses na ding nagmemessage sakin si Lance pero hindi ko siya nirereplayan o sinasagot ang mga tawag niya, lagi siyang nagaantay sa labas ng gate at hinihintay ako para daw magkausap kami pero ayoko talaga siyang makausap.
Ayoko sa lahat ang mga sinungaling, lalo na kung caught in the act kana nga tapos pilit mo pading pinagtanggol ang sarili mo. Puro narin alak ang laman ng katawan ko dahil hindi narin ako kumakain at lantay-lantay na buong katawan ko, ayos na si Liam at Rye pero ako, paano ako?
Naging maayos sila dahil nagpatulong si Liam sa'kin na makapagusap silang dalawa, pumayag nalang ako dahil para din naman sa kaibigan ko, masaya ba ako? Ayoko din namang maging mapakla sakanila dahil diyan sasaya ang kaibigan ko.
Medyo magulo at hindi na maayos ang sarili ko, nawala lahat saakin ng piliin ko si Lance kesa sa yaman namin, binawi lahat ni Lola ang binigay niyang mana sakin dahil mapapabayaan ko lang ito, pangalawang beses ng binawi saakin ni Lola ito at wala na akong magagawa dun dahil once na sinabi ni Lola, wala na talaga akong magagawa. Sana naging sakim ako sa yaman hindi sa pag-ibig nayan..
Nilayuan ko si Lance at iba niyang kaibigan, tahimik ako sa umaga, nagpapakasasa naman ako sa alak tuwing gabi. Pero may kulang.
Gagraduate na sila Lance, Ethan, Jake, at Andrei bukas kaya wala ng pasok, Wala ng pasok pero mukhang hindi ko na kayang mag-aral, Hindi naman ganito ang nangyari sakin ng may makita ko si Franklin na nakikipaghalikan, masakit sobra.
"Hannah around the Philippines tayo dali, puro ka naman natambay sa higaan mo baka magkaroon kana ng ugat diyan!" Sigaw ni Cy at nakasunod sakanya 'yung dalawa.
"Kayo nalang tinatamad ako" sagot ko.
"Bahala ka! Kasama si Kuya, Parents mo, lahat kami aalis Ikaw lang maiiwan tapos 'yung mga maid papaday-off nila" pananakot niya.
"Ayoko nga—"
"Sige na kasi. Naaawa na kami sayo oh, don't worry, I'll talk to Lola na bawiin niya lahat sinabi niya sayo"
"Huwag na, hindi mo naman makukumbinsi 'yong matanda nayun"
"Hey! That's our Lola your talking too. Sumama kana or else-"
"Sige na sasama na ako" pumayag na ako para matigil sila.
Hindi ko alam kung may sport fest paba o wala na, nagayos ako ng gamit ko dahil bukas din lang ang alis namin, habang nagayos ako ng gamit nakuta ko 'yung paint na pinunta ko ng kami pa ni Lance.
Tch ang pangit, ngayon ko lang napansin na pangit pala ako magpaint.
Nangmatapos akong magayos ng gamit ko kumain muna ako saka natulog nalang.
KINABUKASAN....
First destination...
San Felipe, Zambales.
Maaga akong nagising para makapagayos pa ako sa kwarto ko, habang magaayos ako sa gamit ko biglang pumasok si Cy.
"Problema mo?" Walang reaksyon na tanong ko.
"Kala ko hindi kapa gising, asan gamit mo? Marami kabang dinala? Ilang araw tayo dun tapos pupunta ulit tayo sa ibang lugar" paliwanag niya.
"Saan ba unang pupuntahan natin?"
"Sa Luzon muna pupuntahan natin Bago ang iba pero kapag hindi pa natin natapos lahat ng Luzon siguro next bakasyon ulit, ngayon pupunta tayo sa Zambales sa San Felipe Beach" pumapalakpak na sagot niya.
YOU ARE READING
Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)
Random[PART 1] LMINE: HANNAH LAUREN SANCHEZ IVAN SABASTIAN VALDEZ Being a perfect life is good but not always, everyone has a replacement, a person only becomes stable when someone is suffering from the pain of the past, Hannah is a woman who is not only...