52

92 3 0
                                    

IVAN POV

"Hayop ka! Diba sabi ko sayo na layuan mo ang girlfriend ko"

"Lance tama na" yinakap ako ni Stella para hindi na ako makalapit dito sa Shawn na ito.

"If I said the truth! Your life will be ruined!" Sigaw niya.

"Tangaina ka! Bitawan mo ko!" Tinulak ko si Stella at pinagsasapak nanaman iyong ex niya.

"LANCE!" Napatigil ako ng bigla nalang sumigaw si Stella na umiiyak. " Huwag please lang! Pakawalan mo na fiancé ko!" Pagmamakaawa niya.

Fiancé?

Tumingin ako kay Shawn at naka-smirk lang siya na parang alam na talaga kung bakut niya binabalik balikan si Stella.

"Stella" mahinang sabi ko pero tumakbo siya papunta kay Shawn.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

"Yeah I am" sagot niya at tumayo siya.

"Ano ibig sabihin niyo!"

"Lance please magpapaliwag ako" hinawakan niya ang isa kong kamay pero hinawi ko lang ito.

"Putangina ito ba 'yun Stella?" Tanong ko at tumango naman siya. " Shit, lahat binigay ko sayo Stella pero ito lang pala gagawin mo sakin!! Sinubukan kong huwag pansinin mga babaeng pinapalapit sakin ng Mommy ko dahil mahal kita!!! Hindi pa nga sapat iyon para mag-stay ka!!" Sigaw ko sakanya.

"Lance please" nagmamakaawa siya.

Hirap sakin na sigawan si Stella pero nangingibabaw sakin Ang sakit na ginawa nila lalo na nakita at sinabi niya kung anong ginagawa nilang dalawa.

"Sa lahat ng babaeng nagkagusto sakin Ikaw ang pinili ko" nanghihinang sabi ko. "Pero putangina niloloko mo lang pala ako!"

"I said to you your life will be ruined if you know the truth!" Singit ni Shawn.

"Huwag kang mangialam hindi kita kausap! Nandidilim lang paningin ko sayo! Stella piliin mo naman ako oh" pagmamakaawa ko sakanya pero tinabingi niya lang ang ulo niya na parang nagsasabing. 'hindi pwede'.

"Lance please pakingan mo naman ako oh kahit ngayon lang kahit five minutes lang"

"Hindi! Ayoko! Umalis ka nalang dito at break na tayo! Huwag na huwag kang magpapakita sa mukha ko kung ayaw mong masaktan!" Sabi ko at tumango lang siya at umalis na kasama si Shawn.

Napaluhod nalang ako at nanghihina na Ang buong katawan ko dahil sa pinagsasabi ko kanina, masakit pala sa pakiramdam na Ikaw na mismo ang masaktan.

Puro tanong sa isip ko, gusto kong tanongin ng kung ano ano si Stella pero kapag nakikita ko lang nanghihina ako na parang mawawalan ako ng hininga.

"Lance" tawag sakin ng boses babae.

"Umalis kana" pagtaboy ko sakanya.

"Ayoko" sagot niya at umupo sa tabi ko.

"Umalis kana sabi kung ayaw mong Ikaw ang pagtuunan ko ng galit ko!!" Sigaw ko sakanya.

"Paano kung ayaw ko, ano gagawin mo?" Panghahamon niya.

"Please lang Hannah kahit ngayon lang huwag kang mangulit"

"Iiyak mo lang 'yan pero hindi ako aalis dito kahit anong gawin mo" kalmadong sabi niya.

Umiiyak lang ako ng umiyak kahit nakakahiya sakanya, masakit kaya wala akong nagagawa, nandiyan na eh kahit anong pilit kong tumakas sa mga ganitong problema mangyayari at mangyayari lang ito. Tumingin ako kay Hannah, tahimik lang siya at nakatingin sa buwan, tumingin siya sakin at ngumiti pero hindi nakita ang ngipin niya.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now