09

149 6 0
                                    


Mask ball/part 2.

HANNAH POV

"Ang sakit ng paa ko" reklamo ko kay Anthony 'nung nakaupo na kami.

"Okay lang yan, bawi ka nalang next life" tumawa pa, tangina neto.

Hindi na ako pinakawalan kanina nung sumayaw kami ng Can't take my eyes of you, nakalimang kanta pa bago kami nakaupo.

"Cr muna ako" paalam ko sakanya, tumango lang siya.

"Tangina ang sakit talaga ng paa ko" Sabi ko sa sarili ko nung nandun na ako sa cr,buti nalang maynakuha akong band aid kanina sa bahay. Bago ako umalis nilagay ko nalang yun sa heel grip para kahit papano hindi naman sumakit.

Lumabas na akong Cr napansin ko 'yung buwan full moon nga kala ko nagbibiro lang si Rye, pumunta na akong rooftop kahit masakit yung paa ko tiniis ko parin.

Medyo madilim dito pero ayus na rin yun may buwan naman eh maliwanag siya, mas gugustuhin kong tinitignan nalang 'yung buwan kesa sa mga sumasayaw.

"Daddy ang sakit ng ginawa mo" bigla ko nalang yun nasabi habang nakatingin moon.

"Daddy kala ko, ginagawa mo lahat ng yun para sa family natin, Wala kang time samin dahil alam kong para saamin Yun pero nagkamali ako, may anak ka sa labas at masama pa dun 10 years old na pano mo nagawa sakin yun, i admired you kasi kapag nakikita ko kayo ni Mommy ang saya saya niyo pero parang ginagawa mo lang yung lahat ng yun para hindi mapansin ni Mom na may kasalanan ka. Tangina Dad, wala na nga akong trust sa mga lalaki pero nang dahil sayo mas lalong nawalan ako ng tiwala sa mga lalaki" Hindi ko napapansin lumuluha na pala ako kaya agad ko itong pinusan.

Kahit na ayaw kong sabihin pero nalaman padin nila, masakita para sakin na malayo sa Daddy ko pero mangyayari ang dapat mangyari, kahit ako ay muntik ko ng masabi sakanila na alam ko pero tumahimik lang ako.

"...Ang sakit sobra, 'yung nakikita mong gabi gabi umiiyak yang Mommy mo tapos ako wala man lang magawa 10 years dad, 10 years. Tangina nagloko ka saamin" tumulo nanaman yung luha ko natatakot na akong umiyak kasi minsan nawawala ako sa sarili ko, I heard something on my back.

tangina minumulto ata ako

Tumingin pa ako sa kaliwa ko, Wala naman. pero ng tumingin ako sa kanan ko halos mahimatay na ako merong lalaking nakatayo sa tabi ko.

pakshit Sino ba 'to.

"What are you doing here?" agad na tanong niya.

"Wala tinignan ko lang yung buwan,full moon eh" sabay tingin sa buwan.

Hindi ko makita ng maliwanag yung mukha niya kahit nakamask siya medyo madilim kasi dito tanging liwanag lang ng buwan ang ilaw namin.

"The moon is beautiful, isn't it?" biglang sabi niya.

"Oo nga eh ang ganda, ahmm teka ikaw anong ginagawa mo dito" tanong ko,

courious lang bat ba.

"And you?" pabalik na tanong niya.

"Natanong mo na yan diba, tss"

"Right, I'm here to stared the moon too"

"Okay"

Namalipas ang Ilang minuto may naririnig na akong music kahit nasa rooftop ako, impossible na marinig ko iyon eh malayo ito tapos nasa taas pa ako.

Unang sayaw (Nobita)

"Can we dance?" inalok pa yung kamay niya.

"D-dito talaga?" agad na tanong ko.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now