53

86 3 0
                                    

HANNAH POV

Nandito kami sa bar na labas ng village nila, lasing na siya kaya ako nalang tagabantay sakanya, may lumalapit na babae sakanya para magpakilala pero sinasabi niyang ako ang girlfriend niya, diba parang sira.

"Tara na uwi na tayo" Aya ko sakanya. Lasing na siya masyado at nagiging madaldal narin.

"Sige" ngumiti siya at hindi na maituwid ang ulo niya ng maayos at halos matumba narin ito. "Kiss muna" ngumuso siya at aambang halikan ako pero inilayo ko siya sa dahil baka kung ano nanaman ang mangyari sakanya.

Nawala na ang black eye niya pero parang gusto nanaman niya atang malagyan ulit.

"Sige na kiss lang eh" pamimilit padin niya.

"Sapak gusto mo?!" Pinakita ko sakanya ang nakakuyom na palad ko kaya tumawa naman niya.

Naramdaman kong humawak siya sa bewang ko at hinimas himas ito, may epekto saakin na huwag gumalaw at hayaan nalang siya kung anong gawin niya sakin pero meron din saakin na pilit humindi dahil parang binabastos niya ako.

Sa lahat ng ayaw ko ang hinahawakan bewang ko pero bakit pinagbibilihan ko itong lalaking ito.

"Hehe. Ang liit pala ng bewang mo" natatawa niyang sabi at yumapak pa ito sakin.

"Halika na!" Sigaw ko at ayain niya pero nagpupumilit itong huwag gumalaw.

"Halikan?" Nakataas ang kilay niyang pagtatanong sakin.

"Uuwi na tayo! Anong oras na oh!" Tumingin pa ako sa relo ko at 11:00 pm exact.

"Tssss, kiss lang ayaw mo pang ibigay" reklamo niya at binitawan ang bewang ko para lumagok ng isang basong alak.

"Tama nayan! Lasing kana oh!" Kinuha ko ang basong hawak niya at binaba ito sa lamesa.

"Kiss nga muna tapos-" ngumuso ulit siya.

"Tapos sapakin kita!" Pagbabanta ko sakanya at nagpout na itong parang bata.

"Tss, oo na sasama na" tumayo siya kay inalalayan ko. "Huwag mo'kong gahasain ah" tinuro niya pa mukha ko.

Parang siya nga may balak sakin sa mga pinaggagawa niya.

Habang lumabas kami kung ano anong pinagsasabi niya, kesyo daw bakit iniwan siya ni Stella tapos bakit daw pumayag siya na magkaroon ng engagement sila Stella at doon sa Shawn, marami pa siyang pinagsasabi pero minsan naiintindihan ko minsan hindi dahil hindi ko maintindihan mga pinagsasalita niya.

Naaawa ako sayo pero para kang Tanga kung magkwento.

Sana ako nalang, may gusto pala itong mo'kong na ito saakin bakit hindi na nagpakita sa lungga ko.

Hina mo naman.

"May sinasabi ka?!" Inilinapit nanaman niya ang mukha niya sa mukha ko. Napatingin ako sakanya pero inalalayan ko nalang siya.

"Wala akong sinasabi!"

"Meron eh, rinig ko!" Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya.

"Gusto mo pektusan kita" panghahamon ko at lumayo naman siya sakin.

"Hindi ayoko" itinaas niya ang dalawa niya kamay at parang susuko na.

Tumawa ako dahil sa mga pinaggagawa niya pero hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko sakanya. Broken hearted siya pero nandito ako para damayan siya hindi para landiin siya, pero sa ayos ko ngayon parang nilalandi ko siya.

Dahil fitted ang dress ko may make-up pang naka-kakabit sa mukha ko, gusto ko na siyang iwan dito sa parking lot dahil nakakahiya kapag may nakakita saamin, hindi ko nalang sana siya isinama dito.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now