42

109 4 0
                                    


Mag-asawa daw tayo?

HANNAH POV

"May practice pala ngayon ng cheerleader oh" Sabi ni Jake habang nakatingin sa cellphone niya.

"Punta kana"

"Ito naman, nagsasabi lang eh"

"Diba nandoon kabit mo" pinanlakihan ni Katelyn ng mata niya si Jake.

"Nagaaway nanaman kayo wala naman kayong label" Singit ni Anthony. Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi.

"Kapal mo at least kami nagaaway ng may kabuluhan ikaw ni wala ka ngang jowa o ka MU manlang" umirap siya kay Anthony.

"Okay narin 'yun kesa sainyo wala pa nga kayo nagaaway na kayo paano pa kaya kapag kayo na"

"Eh'di sa kama na yan sila magaaway" singit ni Andrei.

"Pasmado bibig mo Andrei tangina ka"binatukan ni Liam si Andrei.

"Bakit wala namang masama doon ah" pagtatangol niya sa sarili niya.

"Stop that disgusting thing, nakakadiri my gosh" saway ng ate ni Lance.

"Kaya nga dudumi kasi ng isip niyo ang ibig kong sabihin-"

"Tumigil ka o itutusok ko 'to sayo" pagbabanta ni Katelyn habang nakatinutok niya ang tinidor sa mukha ni Andrei.

Pagkatapos naming kumain pumunta kami sa gym dahil nandoon sila Lola at Dean, lahat ata sila nandoon.

"Masakit tiyan ko" bulong sa'kin ni kuya.

"Diba may tahi ka diyan?" Tanong ko kaya tumango naman siya.

"Oo pero ayus lang"

"Linisan kaya natin.. Sa clinic"

"Ayoko" angal niya.

"Bakit?"

"May gusto sa'kin 'yung nurse doon baka iharast niya ako" nagpout siya kaya umirap ako sakanya.

"Hayaan mo na-"

"Eh ayoko!"

"Halika na!" Hinila-hila ko siya hanggang sa mapatayo siya.

Hindi na kami nagpaalam sakanila dahil babalik din lang kami, nagmatigas pa siya para hindi ko na siya alalayan pero wala rin siyang nagawa dahil pinilit ko.

"My gosh girls,look oh"

"Their siblings, right?"

"Yes, but their looks like mag asawa"

Naririnig namin kayo, Bakit ba kapag merong mga gwapo sa paningin ninyo kilalang kilala niyo,mga hayop kayo.

"Mag asawa daw tayo oh" bulong ni kuya.

"Manahimik ka nga kung ayaw mong mapunta ulit sa hospital" pagbabanta ko.

"Tss,ayaw mo 'yun"

"Bwesit ka pasalamat ka nga inalalayan pa kita papuntang clinic tapos mangaasar kapa"

"Sige na nga Misis ko"

Sinamaan ko siya ng tingin at pinisil niya lang ang kanan kong pisngi, Pagkadating namin sa clinic halos ihiga na niya dahil siguro sa sakit.

"Nurse!!" Tawag ko.

"Yes po Ma'am?"

"Pwede pakilinis sugat niyan" turo ko kay kuya na nakahinga na.

"Sino po--Oh my gosh sige po wait lang kukunin ko lang po 'yung first aid" dali dali siyang pumunta sa cabinet ng first aid.

Lumapit ako kay kuya. "Dapat pala sa hospital nalang tayo magpalinis ng sugat mo" bulong ko.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now