61

106 7 0
                                    

HANNAH POV

Kanina pa ako nakaupo dito at wala man lang Isa sakanila ang lumapit saakin, hindi ko na din alam kung anong gagawin ko dahil una wala si Franklin Lalo na cellphone ko.

Pakshit.

Tumayo ako na magiikot nalang, may nakita akong board dito na parang plano nila, pagtingin ko sa side nakita kong nandito ang picture ni Lance.

Huwag mong sabihing target din nila si Lance.

Alam kong may sama ng loob si Franklin Kay Lance dahil siya ang dating leader ng Miana pero ang dahilan hindi ko alam.

Hinawakan ko pa ang ibang gamit nila dito at nakuta Kong nandito din ang album na ginawa namin, binuksan ko ito at nakita kong nadito padin ang mga picture naming dalawa.

Nakasandal siya sa balikat ko at nakatingin ako sa langit, may nakaakbay siya sakin pero nakatalikod kaming pareho kaya likod lang ang nakita namin. Madami pa at nandito padin lahat.

Nakita ko ding nandito si Zachary, nasa photo booth kami at nakasuot ako ng Pikachu na parang sumbrebro habang si Franklin may suot na crown at si Zachary naman naka-shades na mata ng kwago.

Masaya kaming tatlo pero may nangyari nga lang na masama, siya lang ang laging nagtatangol saamin kapag napapaaway kami ng hindi na namin kaya ni Franklin makipaglaban siya itong parang may pa entrance, hahayaan pa kaming mabugbog ni Franklin bago siya lalabas.

Diba parang may topak lang.

"Hannah umiiyak kana"

Napatingin ako kung saan nagmula ang boses na iyon, yinakap ko si Franklin dahil hindi ko na talaga kaya dahil sa mga iniisip ko.

"...Tahan na" hinahaplos pa niya buhok ko.

Ilang minuto pa kaming nakayakap sa isa't isa lumayo na din ako sakanya dahil ayos naman na ako.

"...Iuuwi na kita"

Tumango lang ako sakanya at humawak sa kamay niya, nagpaalam pa siya sa mga kasama niya at umalis na kami.

Habang nasa byahe kami napatingin ako sakanya at kunot na kunot ang noo niya na para bang galit siya.

"Okay ka lang?" Mahinahon kong tanong.

"Oo"

"Bakit nga pala tayo pumunta doon sa kuta niyo?"

"May ano kasi... May sumusunod saatin" halos pabulong na sabi niya.

Tumingin ako sa side mirror at parang wala naman na.

"Wala naman ah"

"Meron kanina doon sa pinagtatambayan natin, umalis tayo at ganoon din siya" mahinahon na sabi niya.

"Kaya ko naman sarili ko eh" pagpapaalala ko sakanya.

"Kaya mo nga pero hindi ka makakalaban dahil kahit Isa lang nakikita mo sa harap mo madami pang nagaabang sayo" mabilis na sabi niya.

"Ano ibig mong sabihin?"

Bigla nalang niya inihinto ang sasakyan niya at ngayon ko lang napagtanto na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin.

"Ikaw talaga ang pakay nila, si Thompson wala siyang kaylangan sayo pero kaylangan niyang kunin sayo ang kwintas na ibinigay niya sayo para talaga hindi ka na nga parti ng Larson at ang mga sumusunod saatin kanina ang mga hindi tapat kay Thompson sila ang dapat mong hanapin dahil baka mapano ang pamilya mo kapag si Thompson lang ang kinakaharap mo" mabilis na sabi niya.

"Ibig mong sabihin-"

Nagulat nalang ako ng biglang may umingay sa loob ng bahay, nagkatinginan kami ni Franklin at dali daling lumabas sa sasakyan at....

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now