83

84 4 3
                                    

HANNAH POV

Pagkatalikod ko kay Alcinder nakita ko ang mga kaibigan ko at ibang mga kasama nilang gulat na gulat.

Pati boyfriend ko.

Tumakbo si Zachary at Thompson pati nadin si Andrei para alalayan si Franklin at ipunta daw nila sa hospital, malapit lang ang hospital dito pero hidni ko alam kung aabot pa ang puso niya dahil sa natamo niya. Nakita ko si Lola na hawak hawak si Hazel at napatingin sa Alcinder na patay na.

"Kapatid ko" bulong niya.

"La, sorry po, dahil sa galit ko napatay ko kapatid niyo" naluha nalang ako ng di oras.

"Hayaan mo na Apo, at least ngayon tahimik na siya at wala ng mananakit na iba" sagot niya.

"Pero ako ang pumatay sakanya, pwede akong makulong"

"Ako ang bahala sayo sa ganyang sitwasyon"

Hinarap niya din ang kapatid niya, lumapit ako kay Hazel at umiiyak na talaga.

"Ate, akala ko po--" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng bigla siyang natumba.

Agad namang inalalayan ni Dad si Hazel at ipunta sa hospital, may nararamdaman akong sakit sa braso ko pero hindi ko alam kung ano ito.

"Hannah, may tama ka sa braso mo" si Katelyn.

Tumingin ako sa kanan na braso ko at totoong may tama nga, dumadaloy ito hanggang sa daliri ko, Akala ko ay dugo lang ni Franklin ang dumikit sa katawan ko pero pati din pala dugo ko ay lumabas na.

May biglang humila sakin palayo sakanila at napansin kong galit ang nasa mukha ni Lance. Huminto kami sa Van puti at tumingin siya sakin.

"Nasisiraan kaba ng ulo!" Sigaw niya.

"Lance naman" wala akong masabi kung hindi wala talaga.

"Tch, 'yan ang problema sayo! Masyado kang mayabang! Dapat hindi ka muna pumunta dito ng walang plano papano kung Ikaw ang nabaril!" Sermon niya.

Pucha pwede naman sigurong ipunta mo muna ako ng hospital bago ka manermon diba.

"Lance---"

"Ano ha! Yayabangan mo ulit ako at sabihin mong ayos ka lang, pucha muntik ka ng mamatay doon tapos ano, iiwan moko!" Patuloy na pagsigaw niya.

Huminga ako ng malalim at tumingin sakanya. "Putangina ka! Mamatay na ako dito tapos sermonan mo pa ako!" Mabilis na sigaw ko sa mukha niya.

Doon lang kumalma ang mukha niya at tinignan ang braso ko, ipinunta nga niya ako sa hospital at pagkatapos matahi ang sugat ko, hinanap namin sila Thompson at Zachary pati si Andrei.

"Ano balita? Lumabas naba ang doctor?" Bungad na tanong ko.

"Hindi p--" Bago pa matapos ni Andrei ang sasabihin niya biglang lumabas ang doctor Mula sa room ng O.R.

"Who's the relative of the patient?" Bungad na tanong ng doctor.

"Kaibigan niya ho kami" si Zachary.

"Sorry to say but...We try our best to survive the patient but..He body give up"

Halos matumba ako sa sinabi ng Doctor, hidni ako makapaniwala na wala na ang kaibigan ko, Nabuhay nga si Zachary pero namatay din naman si Franklin.

Kwinelyuhan ko ang Doctor. "Gisingin mo ang kaibigan ko kung ayaw mong Ikaw ang mamatay sa hospital na pinagta-trabahuhan mo" madiin na sabi ko.

"Hannah tama na!" Pinaghiwalay kami si Lance at pinakalma.

"Buhayin mo kaibigan ko, magbabayad ako kahit anong kalaking halaga mabuhay mo lang kaibigan ko" pagmamakaawa ko.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now