24

120 7 0
                                    


Married?

HANNAH POV

"Bakit pumasok kapa?" bungad saakin ni Rye. Hindi pa ako nakakaupo.

"Pwede ba paupuin mo muna ako"

"Sus, sumplada" hinampas pa braso.

"Pasapak"

"Ayoko nga, love ko kaya itong face ko" humawak pa siya sa dalawa niya pisngi.

"Isip bata" bulong ko.

"Grabe ka naman yan ba yung epekto ng nahimatay!" sigaw niya kaya tumawa naman mga kaklase ko.

"Gusto mo rin bang mahimatay?" pinanlakihan ko siya ng mata at umupo nalang.

"Ang tagal naman kasi ng mga kaibigan natin" nagpout pa.

"Wala o baka may ginagawa?" Dinig kong sabi ng kaharap namin na babae.

"Si Katelyn at Liam, tinulungan iyung mga ibang students, si Anthony naman ewan ko baka late." Kibit balikat na sabi ko.

"Good morning students all of you! Go to your booth or clubs tumulong kayo doon"

Wala na silang sinabi, nagsitayuan naman kami, iniwan na namin mga gamit ko at pupunta ako ng locker area. Habang nilagay ko yung libro ko may narinig ako ingay malapit sa locker.

"Hoy saan ka punta?" hinawakan ni Rye ang kamay ko dahil pupunta sana ako kung saan ko narinig yung ingay.

"Sinabi ko naman sayo diba, tigilan mo na ako kung gusto mo pang mabuhay!"

Pamilyar sakin 'yung boses na iyun ah. huwag mong sabihin sakin na... Lance.

Pagtaas ko ng ulo ko saktong nagkatinginan kami ni Lance, fuck anong ginagawa niya.

"Lance!!" sigaw ni Rye kaya pumunta sa gawi namin si Lance.

"Morning" nakangiting bati niya saamin.

"Morning din" Sabi naman ni Rye. "Hoy tara na tutulongan daw natin yung mga players doon oh" hinila ni Rye yung braso ko.

"Una kana, susunod ako" seryosong baling ko kay Rye.

"Sigurado ka" tumango naman ako "Sige, una na ako, Lance una na ako babye" baling niya kay Lance kumaway lang siya bago tuluyang umalis.

Tumingin ako sa harap ko at nagkatinginan kami ni Lance.

"Anyari diyan?" turo ko sa kamay niya.

May dugo na.

"Wala, napatid lang" iniwas ang tingin niya.

Kinuha ko ang kamay niya at hinigpitan Ang pagkahawak sa pulsuhan niya para hindi ko mabitawan kapag binawi niya ang kamay niya.

"Madaming dugo oh-"

"Hoy Lance tangina ka!!" may sumigaw sa likod ni Lance kaya tumingin ako mula sa likod niya.

"Sino siya?" baling ko sakanya.

Bumaling ang tingin niya sakin na salubong na salubong ang kilay. "Oh meron ka padin palang alalay dito" natatawang sabi niya ng makalapit saamin.

"Ano sabi mo?" Sabi ko.

"Alalay ka" he laughed sarcastic.

"Eh, tarantado pala to eh"

"Sino kaba?" tanong niya sakin.

"Kapag sinabi ko ikapapahamak mo" sagot ko at nakipagtitigan sakanila pero kaya tumawa silang lahat.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now