40

115 3 0
                                    

IVAN POV

"Babe!"

"Babe, namiss kita, sorry ah hindi ako nakapunta sa birthday ni Katelyn" niyakap ako.

"She said it's fine at least binati mo siya diba?"

"Mm-mmm" tumingala siya at ngumiti sa'kin ng hindi pinapakita ang ngipin niya.

"Pandak" bulong ko.

"Anong sabi mo! Hindi kaya ako pandak" sumimangot siya at itinago ang mukha niya sa katawan ko.

"Ano ba height?"

"5'6" sagot niya, umirap siya sa'kin.

"Ako 6'0" pagmamayabang ko.

Nandito kami sa park dahil ngayon lang siya may free time, kumain kami pumunta dito at kumain kami sa Mcdo malapit dito.

"Tara dali dito oh" tinuro niya 'yung upuan sa gilid namin. "Pikit ka dali!" Nilagay niya ang kamay niya sa mata ko para ipikit ito.

Pumikit ako pero iminulat ko din mata ko dahil may kinukuha siya sa bag niya, tumingin siya sakin at nagulat pa dahil sumusilip ako kung anong kinukuha niya sa bag niya.

"Ahh, Sabi pikit lang eh" reklamo niya.

"Huwag na kasing ganon, bigay mo nalang"

"Paanong surprise 'to kung hindi mo ipikit mata mo"

"Ah surprise, sige na nga" ipinikit ko mata ko at inantay ko nalang na magsalita siya para imulat ko ulit mata ko.

"Bilang ka hanggang three tapos pwede mo ng imulat mga mata mo"

"Sige.1...2...3" iminulat ko mga mata ko at may nakita maliit na kahon na pahaba kaya napakunot ang noo ko.

"Charan, buksan mo dali" ibinigay niya sakin ang kahon at mukhang excited siyang buksan ko.

Binuksan ko ang kahon na ito at nakita ko ang isang bracelet kulay gold at hugis buwan.

"Diba ang ganda nabili ko iyan nung pumunta ako ng mall, meron din sa'kin oh" pinakita niya ang wrist line niya at hugis bulong naman parang araw ata,kulay gold din.

"Couple bracelet?"

"Mmm, bakit ayaw mo ba?"

"Hindi ah gusto ko pero sana sinama mo ako para dalawa tayong pumili" nagpout ako kaya natawa naman siya hinampas pa braso ko.

"Next time kapag 3 anniversary natin papalitan natin ito tapos iba namang couple attire"

"Nangaasar kaba?" Tanong ko.

"Hindi ah" tumawa siya. "Ang cute mo kasi tuwing nagpapout ka" tumawa ulit siya.

"Isa pang tawa mo halikan talaga kita dito"

"Hoy ito naman, Hindi na" tumahimik ulit siya.

"Sana ganito tayo 'no"

"Oo nga eh 'yung walang problema" sagot niya, tumingin pa siya sa'kin saglit. "Babe" tawag niya sa'kin.

"Mmmm?"

"Paano kapag nagbreak tayo?"

"Babe naman!"

"Bakit? Nagtatanong lang naman"

"Hindi ko gusto tanong mo,palitan mo!"

"Paano lang naman eh, Sige na sagutin mo na" pangungulit niya.

"Ayoko, pero kung ikaw makipaghiwalay, okay lang naman sakin basta-ahys huwag na kasi 'yan palitan mo nalang tanong!" Tumawa siya habang pumapalakpak pa.

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now