89

99 5 0
                                    

IVAN POV

"Pre bakit high blood si Rye?" Tanong agad ni Andrie kay Anthony.

Nakita ko si Liam na namumula ang pisngi kaya mukhang nakatikim na naman ng sampal ni Rye, hindi ko talaga alam kung anong nainom nitong lalaking ito at bigla nalang hinalikan 'yun babae kanina, hindi din naman siya lasing sa pagkakaalam ko.

"Oh bakit ganyan mukha mo?" Tanong ni Jake sabay turo sa mukha ni Liam.

"Wala" maikling sagot niya na mukhang walang balak na sagutin ng maayos.

"Alam niyo tara na gugutom na ako" hinawakan ni Katelyn ang braso ni Liam at nauna ng lumabas ng classroom.

Sumunod din naman kami at pumunta sa cafeteria, may mga nagtitilian na ng mga ibang babae sa paligid namin, as usual hindi namin sila pinansin at nagtuloy tuloy lang kami sa paglakad.

Habang inaantay namin ang order namin ay nagki-kwentuhan naman mga kasama namin pero si Liam ay talagang walang imik at nilalaro lang ang mga kamay niya.

Ilang minuto ang nakalipas dumating nadin ang order namin kaya natahimik naman mga kasama namin at kumain nalang, pagkatapos naming kumain hinatid namin ang tatlo sa classroom nila, nasalubong pa namin sila Hannah at Rye, ngumiti si Hannah sakin kaya ngumiti din ako pabalik.

Pumunta nadin kami sa classroom namin at may recitation na naman kami, Ilang oras hanggang sa maghapon na ay hindi ko na talaga nakita si Hannah at sila Rye, Sabi din ng guard nakita niyang umalis na sila.

Tch hindi manlang ako inintay.

Nagdesisyon nalang akong umuwi, nagpahatid nalang ako kay Ethan para may pagsakyan ako at pagkapasok ko palang ng bahay tumambad na sakin 'yung babaeng alinta at 'yung babaeng kahalikan ni Liam.

"Hey Lance!" Tawag sakin nung babaeng kahalikan ni Liam.

"Lance? Huwag mo kong ma-lance-lance! Malasing ka sana!"

"What?"

Hinawakan ko siya sa magkabilaang balikat niya kaya nagulat naman siya.

"Huwag kang lalapit Kay Liam kahit anong mangyari, tapalan mo 'yang katawan mo kung ayaw mong magkaroon ng pula sa katawan mo" madiin na sabi ko sakanya.

"Hey Ivan! The hell are you doing!" Sigaw ng pinsan kong babae kaya binitawan ko itong babaeng kaibigan niya.

"Controlin mo mga kaibigan mo kung nandito kayo sa pamamahay ko! At iyang kaibigan mong 'yan!" Turo ko sa babaeng umiiyak na. "Ilang beses na sinabi ni Liam na may girlfriend siya, pinilit pa niyang pagsiksikan an sarili niya, pero teka paano magagawa ni Liam 'yun? May pinainom ba kayong sakanya?" Madiin na tanong ko.

"What are---" Hindi niya natapos an sasabihin niya dahil sinampal ko siya.

Sakto namang dumating si Ate kaya inawat na kami.

"Tumigil na kayo!" Sigaw niya.

"Kung tatanggap kayo ng bisita 'yung hindi makati ha! Dahil baka hindi kapa nagtagal dito at makikita ka nalang ng pamilya niyong nasa kabaong na" pagbabanta ko sa dalawang babae.

Pumasok nalang ako ng kwarto dahil baka sa galit ko masaktan ko pa sila ng tuluyan, dahil sa kakaisip ko nakatulog na ako at umaga pala.

Tinignan ko ang Oras at 5:30 am na, Ilang miss call din pala si Hannah sakin, tumawag ulit siya kaya doon ko nalang sinagot.

[Hello? Buti naman sinagot muna] bungad niya sakin.

"Sorry nakatulog kasi ako eh"

[Tch, Sige na magpalit kana, usap tayo mamaya]

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now