HANNAH POV
*Flashback*
"Hannah, May gustong makipagusap sayo!" sigaw ng kasamahan ko.
Kagagamot lang ng sugat ko meron nanaman.
"Sige susunod na!!" sigaw ko
Binalutan ko nga tela ang mga sugat ko para tumigil ang pagdudugo, pagkatapos ay pumunta nadin ako sa office ko dito sa secret house.
Puro mga sindikato ang mga kasama ko pero hindi nila ako sinasali sa mga lakad nila kung magnanakaw ba sila o mangpapatay dahil masyado pa daw akong bata pero kaya ko namang makipaglaban at proteksyonan ang sarili ko.
Wala ring alam ang magulang ko dahil wala naman silang pakialam saakin, nakafocus lang silang lahat kay kuya o sa pinsan dahil sila ang matatalino kesa saakin, maganda rin ang mga grado nila kaya siya lagi ang napupuri.
"Sinong gustong makipagusap saakin?" Tanong ko kay Frank.
"Yung leader ng Miana, magingat ka doon baka kung anong gawin niya sayo" pagpapaalam niya saakin.
"Ganon ba ako kahina, sayo?" tanong ko at natawa naman siya.
"Gago hindi naman, masyadong malakas siya kaya baka kung anong gawin sayo" Sabi niya at umiling iling pa. "Oh, magmask ka huwag mo raw ipakita ang mukha mo sabi ni Boss" bigay niya saakin yung mask ng Larson.
Na una siyang maglakad kaya kinagat ko ang mask at tinali ang buhok at sinuot na ang mask. Pagkadating ko sa loob nakamask rin silang lahat pati narin si Frank.
Bawal naming ipakita ang mukha naming mga Taga Larson gang dahil kapag may nakakita saamin ay papatayin. Hindi ko lang alam kung ganito din ang rule ng mga Taga Miana.
"Ano paguusapan natin?" deretsyo kong tanong ng makaloob ako sa opisina.
"Nagpapatawa ba kayo, Akala ko ba leader niyo ang kausapin ko" maangas na tanong niya kaya lumapit ako sakanya at linapit ang mukha ko sa tenga niya.
"Huwag mo'kong mamaliitin dahil hindi mo ako kilala" mahinhin na sabi sa tenga niya.
"Sino kaba?" tanong siya.
"Kapag sinabi ko, ikapapahamak mo" Sabi ko sa mukha niya at tumalikod sakanya.
Umupo ako sa tabi ng upuan ng leader namin, dahil sabi niya at ako lang uupo doon.
"So ibig palang sabihin kanang kamay ka?"
"Hindi ba obvious" seryosong sabi ko.
"Sapakin mo nalang kaya" rinig kong sabi ng kasama niya.
"Iwan niyo kami" Sabi ko kaya napatingin naman silang lahat saakin.
"Pero-"
"Lumabas kayong lahat at maiwan ka" turo ko sa leader ata nila.
"Tara" aya niya sa mga kasamahan niya.
"Dre labas muna kami" paalam ng isang kasama niya.
Hinayaan kong lumabas sila at ng makalabas sila tumayo ako at lumapit sakanya.
"Anong kaylangan niyo?"
Tumayo siya at tumingin saakin. "Gusto kong sa ilipat ang schedule ng laban natin"
Tumawa ako ng sarkastiko at pumalak pa. "Diba leader ka tapos ikaw ang naduduwag, dumayo pa kayo dito sa lungga namin para lang diyan"
"Oo, dumayo ako dito dahil may sumugod sa lungga din namin at nagiwan ng marka" madiing sabi niya.
"Sige, kung matatalo mo ako papayagan kita ibahin ang schedule ng laban" pinagcross ko ang braso ko sa ibaba ng dibdib ko.
Tatalikod na sana ako pero hinawakan niya ako sa braso kaya umikot ako para mapunta ako sa likod niya, sinipa ko ang gitna ng binti niya para ipadapa iyon.
YOU ARE READING
Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)
Random[PART 1] LMINE: HANNAH LAUREN SANCHEZ IVAN SABASTIAN VALDEZ Being a perfect life is good but not always, everyone has a replacement, a person only becomes stable when someone is suffering from the pain of the past, Hannah is a woman who is not only...