25

124 7 0
                                    

IVAN POV

Naglalakad ako dito sa hallway ng biglang humila sa damit ko, Papunta sa janitor's room, pagtingin ko sa mga lalaki dito sa loob, Buhay ka pa pala.

"Oh Lance, good morning" kumaway pa siya sa akin.

"Oh Ikaw, Buhay ka pa pala" walang ganang sagot ko.

"Pinatulog mo lang naman ako pero hindi mo ko pinatay, ulol" pagkatapos niyang sabihin nagtawanan ang mga bata niya.

Corny.

"Anong sabi ng doctor?" tanong ko na nakakalikong tingin.

"Tarantado ka, may injury ako sa braso kong hayop ka" aambahan niya ako para sapakin pero inunahan ko na siyang sinapak.

Sumunod naman ang mga bata niya na sapakin ako, sa sorang lakas ng pagkakasapak ko hindi ko namamalayang dumudugo na yung kamay ko pero hindi ko nalang pinansin at pinagsasasapak nalang silang lahat.

Umagang umaga pucha.

Kinuha ko yung damit niya para maipatayo ko siya, pagkatayo niya tinulak ko siya sa may pader at namimilipit na sa sakit.

"Sinabi ko naman sayo diba, tigilan mo na ako kung gusto mo pang mabuhay" Sabi ko sinipa siya sa tyan niya.

Ang yabang.

Pagkalabas ko ng janitor's room biglang may tumawag sakin. Lumingon ako dahil naalala kong doon pala ako papunta.

Ngumiti ako para hindi nila mahalata kung anong ginawa ko "Morning" bati ko sakanila kahit awkward.

"Morning din. Hoy tara na tutulungan daw natin yung mga players doon oh"

"Una kana, susunod ako" sagot ni Hannah sakanya habang nakatingin sa akin.

Problema neto?

"Sigurado ka" tanong ni Rye kay Hannah at tumango naman ito. "Sige, una na ako, Lance una na ako" ngumiti lang ako

Pagkaalis ni Rye tumingin ako kay Hannah.

"Anyari diyan?" turo niya sa kamay ko.
Shit dumudugo. Hoy huminto ka naman, pucha makisama ka naman.

"Nothing" iniwas ko ang tingin at babawiin ko sana yung kamay ko pero hinigpitan lang niya.

"Madaming dugo oh-"

"Hoy Lance tangina ka!!" sigaw ni Erick mula sa lokod ko.

Pucha nakatayo ka pa pala.

"Sino siya?" tanong sakin ni Hannah pero tinignan ko lang siya.

"Oh meron ka palang alalay dito"

"Ano sabi mo?" Sabi ko.

"Alalay ka" Natatawang sabi niya habang turo si Hannah

"Eh, tarantado pala to e" tinuro ni Hannah si Erick.

Tangaina, Tumigil kana.

Gusto kong sabihin kay Hannah dahil baka siya ang pagkainterisan nila Erick, malalagot ako niyan kila Katelyn.

"Sino kaba?"

"Kapag sinabi ko, ikapapahamak mo" maangas na sabi niya

Kapag sinabi ko, ikapapahamak mo

Kapag sinabi ko, ikapapahamak mo

Kapag sinabi ko, ikapapahamak mo

Loving Me Is Not Easy (Oneirataxia Series #1)Where stories live. Discover now