Nagising ako dahil may dumila sa mukha ko. I groaned nang napagtanto kong si Lily pala yun.
"Baby inaantok pa ako." Pagkakausap ko sa alaga ko pero hindi siya nakinig.
"Okay babangon na." I said annoyed. It's already nine in the morning.
Kaya pala ginigising na ako ni Lily. Hinalikan ko muna ang ulo ni Lily bago napag desisyonan na bumangon. Pag tayu ko palang sa kama biglang umikot yung paningin ko. Fuck! Parang binibiyak yung ulo ko. Yumuko muna ako ng kaunti para mawala yung pagkahilo ko.
Nang masiguro kung okay na ako tumayo na ako ng tuwid. Tinignan ko si Lily and she's staring at me already. I smiled at her patting her head.
Lumabas na agad ako sa kwarto ko at pumunta sa kusina para pakainin si Lily. Nang masigurado kong kumain na si Lily bumalik ulit ako sa kwarto para maligo.
I decided to wear my casual outfit. A maroon spaghetti strap crop top, neutral color cardigan, high-waisted jeans and white gucci sneakers. Kinuha ko din yung regalo saakin ni Aislynn last birthday ko a ray-ban aviator classic sunglasses. I just put a powder to my face and applied a pink lip gloss. Nang ma satisfied na ako sa itsura ko kinuha ko yung collar ni Lily. It has a name tag on it.
Plano kung ilakad si Lily sa park na malapit lang sa penthouse ko. Don na rin siguro ako kakain, may cafe naman dun. Pagkapasok ko sa kusina ay tapos na si Lily sa kinakain niya. Niligay ko na yung collar sa leeg niya she just stared at me the whole time.
I slightly chuckled at her and kissed her head.
"Pasyal tayo, you want that right?" Tila ba na iintindihan niya yung sinabi ko.
She started to wiggle her tail and bark nonstop. Pinag masdan ko muna siya ng ilang minuto bago napag desiyonan na umalis. Sinigurado ko munang na lock ko yung pinto ng penthouse ko bago ako naglakad papuntang parking lot, with Lily in my hand of course.
Since Sunday ngayon day off ko, day off din ng mga body guards ko. Minsan kasi pag day off nasa penthouse lang ako. Pinaupo ko sa passenger seat si Lily bago ako sumakay sa passenger seat. Tinignan ko muna si Lily before I started the engine.
~~~
When we arrived at the park, sobrang dami ng mga bata ngayon. Well Sunday ngayon so it's a family day. Kinuha ko muna si Lily sa passenger sit bago kami nagsimulang mag lakad. Napapangiti nalang ako kapag may nakikita akong masayang naglalaro na bata.
I never experience that. Yung nakikipag laro sa mga bata sa park habang binabantayan ng mga magulang nila. Sobrang busy ng mga magulang ko nong bata pa lang ako, tanging mga kasambahay lang namin yung kalaro ko.
Pero hindi ako kagaya ng iba dyan na nagagalit. Hindi ako nakaramdam ng galit sa magulang ko kasi alam ko na ginagawa nila yun for my future. Palagi din sinabi ni Mommy noon na kung hindi pa lang para saakin yung ginagawa niya she's willing to give up her work para lang makasama ako. Pero sinabi niya din na para na rin sumuko siya para sa future ko.
Labag man sa loob niya umaalis pa rin siya pag kailangan sa trabaho. Nagsisimula pa lang lumaki yung company ni Daddy that time. Thrice a week lang din minsan si Daddy umuuwi saamin. What I love them the most is gumagawa pa din sila ng paraan para makapag bonding kami kahit isang araw lang.
Minsan habang nag bake si Mommy ng cake non kami naman ni Daddy ay naglalaro sa kusina. Mommy would playfully shout at us to stop pero lumipas ng ilang segundo tatawa din siya. We used to watch movie together.
Hindi na namin nagawa yung mga yun nong pumunta ako ng Canada para mag-aral. Hindi na din masyadong busy si Daddy non habang si Mommy ay tumigil na sa pagtrabaho. Ako na yung naging busy.
BINABASA MO ANG
Ethereal (gxg)
RomansaSerendipitous Taste Series #1 Darkness and loneliness, that was the two girls felt. What will happen if the two different worlds collide? Can they find the light and the happiness of each other? Or it'll be another darkness in their lives? A wealth...