Chapter 62

133 11 0
                                        


"Tell your friends that it's my birthday tomorrow! Magtatampo talaga ako pag hindi sila kompleto bukas." Pahabol ni Mommy saakin.

Nilingon ko ulit si Mommy at tumango sakanya showing them my smile before getting into the driver's seat of my car. Sinabihan ko kanina sila William na dito nalang sila kasi hindi pa ako uuwi sa penthouse. Kaya ko naman sana talaga yung sarili ko, hindi na kailangan ng bodyguards pero simula nong business gatherings two years ago, mas lalong ayaw nila Mommy na wala akong bantay.

Nagmaneho na ako papuntang bar. Late na ako kasi napahaba yung kwentohan namin ng parents ko kaya panigurado naka order na sila ng inumin nila.

At tama nga ako when I said earlier na nagtatampo si Mommy. Sobra daw yung tampo niya kasi ilang buwan nga ako hindi bumisita sakanya. Pinaliwanag ko naman sakanila kung bakit ako hindi nakabisita sakanila. Masyado lang talaga ako naging abala sa company, lalo na ngayong may gustong sumira nito.

As usual gusto ni Mommy na bumawi ako sakanila pero yung bawi ko dapat ay gawin ko raw hiling nila Dad. Tuwing talaga naiisip ko yung hiling nila sumasakit ulo ko. Ewan ko nalang talaga bakit sila nagmamadali e ang babata pa naman nila.

Yung hiling nila? They wanted me to get married this year, and they wanted to have a grandchild next year. Akala naman talaga nila na sobrang dali lang yung hinihiling nila. The way they talked earlier, para bang kaya ko talaga gawin yung hiling agad-agad.

I shook my head, driving inside the private parking lot. Lumabas naman agad ako pagkatapos e park yung kotse ko sa tabi ng sasakyan ni Aislynn. Nandito na lahat ng kotse ng mga kaibigan ko including Rachel's car. May isang sasakyan lang ako na hindi kilala, siguro bagong sasakyan na naman ito ni Brianna.

Yung babae talaga na yun, spoiled na nga nong pagkabata mas lalong naging spoiled ngayon simula nong magkaroon siya ng manliligaw. Speaking of her manliligaw, sinama niya kaya yun? Sinabi niya kasi kanina na isasama niya yun ngayon.

"Good evening, ma'am" Bati ng guard na nagbabantay sa parking lot saakin.

I nodded my head towards him before walking to the entrance kung saan may nakikita akong nagbabantay na bouncer.

The bouncer also greeted me before opening the door for me. Tumango lang ako sakanya bilang pagbati bago inilibot ko yung mata ko sa kabuuan ng bar ni Quisha. Ilang buwan na din pala nong huli akong pumunta dito. Wala naman pinagbago yung bar niya. Siguro tinatamad na siya mag renovate.

Dumiretso agad ako sa second floor, sa usual spot namin. Tinulungan din ako ng bouncer na naka pwesto malapit sa hagdanan. Kung ano yung sinuot ko kanina sa office ay yun lang din suot ko ngayon. Nakalimutan ko magpalit ng damit sa bahay ng parents ko.

Nakita ko naman agad sila habang nagtatawanan sa kung ano mang pinag-uusapan nila. At tama nga ako, kompleto na ilang lahat at may mga alak na din sa mesa. Naningkit yung mata ko pagkakita sa isang alak na binili nila.

An Absolut Vodka Crystal Pinstripe Black Bottle that cost 10,000 dollars and fuenteseca 21 years old vintage 1993 extra añejo tequila that cost 1,075 dollars. Yes, alam ko yun kasi last lang ay nahilig si Dad mag collect ng mga liquor. Hindi siya umiinom, sadyang nagustohan niya lang yung ibang bottle ng liquor kaya siya nagcocollect.

At isa na don yung inorder ng mga kaibigan ko ngayon. May mga light beer din naman silang inorder pati mga pagkain. I rolled my eyes before walking towards them. Napansin naman nila agada ako kasi hindi pa naman masyadong maingay dito sa bar, maaga pa kasi. 7:30 pm pa lang, siguro 9pm dadami na yung tao dito, mas iingay na.

"Hey Ki." Quisha said cheerfully while waving her right hand at me.

Inirapan ko naman siya bago ko hinalikan yung pisnge nila isa-isa. Nandito na rin pala si Cooper who's wearing his weird smile. Except din sa babaeng katabi ni Brianna ngayon who's looking at me while she securely wraps her arm around Brianna's lower back.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon