Chapter 52

104 5 2
                                        


"I didn't expect this love." She said while roaming her eyes. Pagkarating pa lang namin gulat na gulat na yung mukha niya.

Sabi niya matagal na daw niyang nakikita tong lugar na to. Dito daw minsan nagd'date yung mga mag jowa at sikat din daw itong tourist spot. Well, hindi ko sila masisi kasi maganda naman talaga. Para kaming nasa sinaunang panahon dahil sa paligid.

"Yeah? Quisha recommends this place." I said habang hinahawakan kamay niya.

Andami ding nakatingin saamin ngayon kasi naka business attire pa ako pero kahit isa sakanila ay wala kaming pinansin. Wala din namang nakakakilala saakin kaya safe lang kami dito.

"I wanted to visit this place ever since." Sabi niya na hindi pa rin tumitigil sa kakatingin sa paligid.

"Bakit hindi ka bumisita?" I asked curiously. Pwede naman kasi siyang pumunta dito anytime.

"I want to visit this with someone I love." Sabi niya na binalingan ako ng tingin. She gave me her sweet smile.

Nahawa din ako sa ngiti niya. Napabaling yung tingin niya nong nasa may tulay kami. Nagliwanag agad yung mukha niya kaya dali-dali siyang naglakad at dahil naka hawak kamay kami ay hinihila niya pa ako. Natawa naman ako at kinuha yung phone ko sa bulsa. I took a picture of our intertwined hand.

Nakabusangot pa siya kasi nagmamatigas pa ako. Siguro napapagod na din siya kakahila saakin. Ngumiti ako sakanya bago napaunang lumakad. Ako na naman yung humihila sakanya. Hindi ko talaga mapaliwanag yung saya niya ngayon. Sobrang saya niya na para bang dream come true yung pagpunta niya dito.

"Let me take a picture of you, love." Hindi namin alam kong kailan ulit kami makakabalik dito o makakabalik pa ba kami. Kaya dapat sulitin na namin to.

"Okay." Masaya niyang saad habang binibigay niya saakin yung phone niya. Ngumiti naman ako at sinenyasan siyang mag pose na. Sumunod naman siya agad.

I took a picture of her in every angle. Hindi ko na nga mabilang kung ilang picture na nakuha ko e. Basta ang alam ko nag-eenjoy akong kinukunan siya. Nakikita ko rin na nag-eenjoy siya kasi medyo natatawa pa siya everytime na nagpopose siya ng nakakatawa.

May litrato din kami na hanggang balikat lang yung kinunan, nakunan din namin yung ilog bilang background. Nakangiti kami pareho habang nakatingin sa camera. May litrato din kami na nakatingin ako sakanya na may ngiti sa labi habang siya ay sa camera lang nakatingin.

Kinunan din niya ako nong hinalikan ko yung sentido niya. Buti nga nakunan niya yun e.

Nilibot namin yung boung Intramuros. May mga food stools naman dito kaya kumakain kami habang nililibot tong lugar na to. Nakaka mangha talaga tong lugar na to kasi sobrang ganda at linis ng paligid. Gusto ko nga na dito na tumira e.

Kinuha ko naman yung panyo ko sa bulsa. Simula nong naging kami ni Amaia ay sinigurado ko talaga na may panyo ako sa bulsa. Napansin ko kasi na medyo messy eater si Amaia. Ngayon nga lang din ako nakakita na doctor kagaya niya. Yung iba kasi importante yung malinis sila tignan. Pero si Amaia parang baliwala lang sakanya.

Pinunasan ko yung gilid ng labi niya na may sauce. Kumakain kasi kami ng fishball na nasa plastic cap habang naglalakad. Sabi ko nga sakanya umupo muna kami at kumain pero ayaw niya kasi gusto talaga niyang libutin yung lugar.

Tinignan naman niya agad ako dahil sa ginawa ko. She then apologetically smiled at me na sinuklian ko rin ng reassuring smile. Hawak ko rin yung water bottle namin, kanina pa kasi ako tapos kumain kasi hindi ko naman dinamihan yung akin.

Nang may nakita kaming trash can ay dali-daling naglakad si Amaia papunta don para itapon yung plastic cap. Nang makabalik siya kung saan ako nakatayo ay agad ko rin binigay sakanya yung water bottle niya. Sinigurado ko rin na open na yun para hindi na siya mahirapan.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon