After 2 years...
"What?" I harshly answered my phone.
Quisha keeps calling me while I'm in an important meeting a while ago. Nilagay ko nga sa silent mode yung phone ko para hindi siya maka istorbo saamin. I can't lose that deal, matagal ko ng nililigawan si Mrs. Acuña para maka invest ako sa bakeshop niya.
Yes, ako pa talaga nanligaw na imbes siya yung gumagawa. Mrs. Acuña owned a famous bakeshop here in the Philippines.
Nahilig ko na din yung pagb'bake. Tinuturuan ako ni Mommy sa mga alam niyang e bake. Nag-aaral din naman ako para mas marami pa yung matutunan ko sa baking. Isa na din sa mga hobby ko na rin yun. It helps me to relieve my stress.
Kaya ko gustong mag invest sa bakeshop ni Mrs. Acuña kasi nandon yung mga paborito kong dessert. Gusto ko rin malaman yung mga specialty nila. Buti nalang talaga at kaibigan ko yung wife niya. Tinulungan niya akong makubinsi si Mrs. Acuña.
"Grabe ka naman saakin. Yan talaga bungad mo? After you ignored my calls?!" Habang patagal nang patagal siya magsalita ay lumalakas boses niya.
Geez, this girl is giving me a headache. Pinaglihian niya ata ako e. She's 2 weeks pregnant at hindi pa alam ng fiancée niya yun. Mas inuna niyang ipaalam saamin mga kaibigan niya kesa sa fiancée niya. Ewan ko nalang talaga sa babae na to.
"What is it piggy?" I asked her taking a seat from my swivel chair.
"Stop calling me that Ki. Ilang weeks pa lang naman akong buntis." Naiinis niyang saad sa kabilang linya. "I called to invite you to have lunch with us. Ilang buwan na din tayong hindi nagkikita eh. I miss you guys so much."
She's right.
Ilang buwan na din nong last kaming magkasama magkakaibigan. Naging busy na kasi kami sa kanyang-kanya naming mga buhay at career. Kahit naman hindi kami nagkikita ay hindi naman mawawala yung communication namin sa isa't isa. Sa ingay ba naman nila, lalo na kela Quisha at Avery. Hindi ata mabubuhay yung dalawa na yun kung hindi kami nakakapag-usap lahat.
"I can't come. Madami pa akong kailangan tapusin." I said looking at my table.
Andaming nakakalat na papeles doon na kailangan ko basahin at permahan. Walang katapusang perma talaga ako gagawin ko dito.
"Hindi ako tumatanggap ng no Ki. Pupunta rin si Rain Acuña, ayaw mo ba magpasalamat sakanya sa personal? Sa pag tulong niya sayo makumbinsi asawa niya?" I rolled my eyes. Typical Quisha, gagawin ang lahat para makuha ang gusto niya.
"Pupunta ba sila Bri?" I asked her sighing.
Wala na akong magawa kung hindi ang mag agree sakanya. Alam ko kasi na hindi lang siya yung mangungulit saakin pag nalaman ng iba na hindi ako pupunta.
"Lahat present mamaya so you have to invite Rachel as well." She said mentioning my secretary.
Sa 2 years ay madaming ng ganap sa kanyang-kanya naming buhay. Mas lalong lumaki yung circle of friends naming magkakaibigan.
"Okay." I simply said before ending the call.
Alam kong bastos yung ginawa ko pero wala naman na sakanila yun. Nasanay na silang lahat saakin.
Madaming nagsasabi na ang laki ng pinagbago ko. Kahit yung parents ko ay nahahalata yung pag-babago ko. They said that mas double na yung pagiging cold at pagiging tahimik ko. They asked me why, but I just shrugged my shoulder to them. Hindi ko rin kasi alam kung bakit. Alangan naman na mag sinungaling ako sakanila.
I have 2hrs before lunch time, kaya inabala ko nalang ulit yung sarili ko sa pagpeperma.
~~~
"I have something to tell you" I said facing her.

BINABASA MO ANG
Ethereal (gxg)
Lãng mạnSerendipitous Taste Series #1 Darkness and loneliness, that was the two girls felt. What will happen if the two different worlds collide? Can they find the light and the happiness of each other? Or it'll be another darkness in their lives? A wealth...