Chapter 44

121 8 2
                                        


Friday pa ngayon pero nasa penthouse lang ako. Okay lang naman saakin kasi natapos ko kahapon yung dapat trabaho ko ngayon. Pinaalam ko na din si Rachel at yung mga bodyguards ko na hindi ako papasok ngayon.

Kanina pa nga ako hindi mapakali dito sa penthouse. Sinabi kasi kahapon ni Amaia na lunch daw kami pupunta sakanila. I heave a sigh before starting to workout. Minsan kasi pag hindi ako napakali ay nag w'workout ako. O hindi kaya ay inaabala ko nalang yung sarili ko sa trabaho.

Kanina pa din nasa harapan ko si Lily. She looks at me curiously na para bang alam niyang may problema ako. I chuckled before sitting infront of her. Nasa may sala kasi kami ngayon. It's still 9 in the morning. Mamayang 10 pa ako maghahanda.

I patted her head grabbing my phone that was in the coffee table. Agad ko hinanap yung number ni Mommy while placing Lily in my lap. I continuously stroke her head while placing the phone to my ears. Nakailang ring din bago sinagot ni Mommy yung tawag.

"Good morning anak." Pagbati niya sa kabilang linya.

Napangiti naman ako nong marinig ko yung boses ni Mommy.

"Good morning Mom." I replied to her while placing Lily on the sofa.

Tumayo din ako sa pagkaka-upo sa sahig at pumwesto sa gilid ni Lily who's now laying closing her eyes.

"Bakit ka napatawag? May problema ba?" She asked. Nahihimigan ko na rin yung pag-aalala sa boses niya.

"Don't worry Mom, wala namang problema." I said reassuringly.

"Bakit napatawag yung unica hija namin." May lambing na yung boses ni Mommy.

Ganito siya minsan e lalo na pag tumatawag ako sakanila na alam nilang wala akong dahilan. Minsan lang naman ako tumatawag sakanila lalo na pag hindi ko sila nabibisita. Okay lang din naman sakanila yun kasi alam nilang abala ako. Besides, they can visit me naman sa company e but they choose to not disturb me.

"I'll meet Amaia's parents later. They invited me for lunch." I said heaving a sigh.

Natahimik naman yung nasa kabilang linya. Hinayaan ko munang manahimik si Mommy cuz I know she's trying to sink in what just I've said to her.

Really? Hindi makapaniwalang tanong ni Mommy sa kabilang linya.

Yes Mom."

"So that's why you called." I heard my Mom chuckled from the other line.

I rolled my eyes at that.

"Yeah." I started to fidget.

Fuck! Namamasa na rin yung kamay ko dahil sa kaba. I hope Mom will help me.

"Hey come down my child." I guess she heard the nervousness in my voice. "Just be yourself okay? I'm sure na mabait yung mga Evans kasi nakasama ko na sila sa mga business gatherings. Don't worry anak, they will like you."

Medyo gumaan naman yung loob ko sa sinabi ni Mommy. Magaling talaga siya dito e. Everytime a umaatake panic attack ko siya lang yung nakakapag-pakalma saakin. I love my Mom so much.

"Thanks Mom." I said. Medyo hindi pa rin nawawala yung kaba pero alam ko na kaya ko na.

"I'm always here anak. Get ready na it's already 10. Goodluck!" Pach'cheer ni Mommy sa kabilang linya.

Medyo natawa naman ako sakaya bago tumayo sa kinauupuan ko.

"Thank you again Mom. I'll visit you soon. I love you."

"I love you too. Bye." She said before ending the call.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa bedroom ko. Nilapag ko yung phone ko sa bedside table. Nakita ko naman na tumalon si Lily papunta sa kama ko. Sakto lang din kasi sa taas yung kama ko kaya nakakaakyat siya sa pamamagitan ng pagtalon.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon