Hindi naman ganun kabigat si Angel na ngayon ay natutulog na. Pinindot ko yung floor kung saan yung condo unit ni Amaia.
Nakapunta na din ako dito noon everytime na sobrang abala niya sa trabaho at hindi niya na ako natatawagan. Minsan naman ay siya yung pumupunta sa penthouse ko.
Kahit nahihirapan ay kumatok ako sa pintuan ng condo ni Amaia. Inayos ko rin si Angel bago ko narinig na bumukas yung pinto.
Gulat na mukha ni Amaia yung bumungad saakin. Naramdaman ko naman na may bumara sa lalamunan ko ng makita ko yung suot niya ngayon. She's wearing a satin nightgown na pinatungan niya ng manipis na robe.
Agad ko naman iniwas yung tingin ko sa katawan niya nong maramdaman ko yung pag iinit ng buong mukha ko.
"What are you two doing here?" Napabaling yung tingin ko sakanya nong nagsalita siya.
Alanganin ko naman siya tinignan. "Can we get inside? Medyo nangangalay na ako." I said trying to fix Angel in my arms.
Tumango naman siya bago nilakihan yung pagkabukas ng pinto. Pumasok agad ako at pinahiga si Angel sa sofa niya. I then fixed her position before standing up straight.
"What are you doing here?" Tanong na naman ni Amaia na naka pameywang na ngayon habang nakatingin saakin.
"Can you tie your robe?" I said stopping myself from glancing at her body. Gusto kung palakpakan yung sarili ko dahil kahit na naiilang ay hindi pa rin ako nautal.
Lumipas ang ilang minuto ay tahimik lang siya kaya hindi ko na mapigilan tignan siya para malaman kung ginawa niya talaga yung sinabi ko. Napahinga naman ako ng maluwag nong makita ko na nakasarado na yung roba niya.
Taas kilay niya akong tinignan at binalik yung kamay niya sa bewang. Ang sungit niya tignan ngayon.
"She arrived this morning. Ikaw sana tatawagan niya but she thought that you were mad at her. Kaya naisipan niyang ako yung tawagan." Wait, why am I explaining to her? Yeah, because her glares made me do it.
"Bakit ikaw? Marami naman kaming pinsan dito?" She asked, frowning. She's still glaring at me while folding her arms in her chest.
I shrugged my shoulder. Oo nga noh? May mga pinsan naman siya dito bakit hindi sila yung tinawagan niya?
"Or maybe she wanted to flirt with you." She said, rolling her eyes and slowly walking towards her cousin, who was now sleeping peacefully in her couch.
"Hey, it's not like that. Kaya nga siya umuwi para suyuin ka. Gusto niyang magka-ayos kayong dalawa." Si Amaia lang talaga ang may kakayahang gawin to saakin. Ang magsalita ng mahaba.
"I saw Ryuu's ig story." She said walking towards her room.
Sumunod naman ako sakanya habang naka kunot ang noo. Pumasok siya sa kwarto niya hinintay ko naman siya sa hamba ng pinto.
"What ig story?" I curiously asked her.
"See it for yourself." She simply said before going out into her room again. Sinadya pa talaga niyang banggain yung balikat ko.
Napailing nalang ako bago sumunod ulit sakanya. Bakit nga ba ako sumunod sakanya sa kwarto? Pwede ko naman siyang hintayin sa sala. Kinuha ko naman yung phone ko para tignan yung sinabi niya.
Oh, picture pala yun namin na nasa bar. At talagang yung naka akbay pa talaga sa balikat ko si Angel yung pinili niya. Hindi ko lang alam kung sinadya niya ba na ito talaga nilagay niya.
"About that, I was shocked too when she suddenly puts her arm on my shoulder." Kamot batok kong paliwanag sakanya.
Ewan ko lang kung narinig niya yun kasi abala siya sa paglalagay ng kumot sa pinsan niya. Don't tell me dito niya papatulogin pinsan niya? May guestroom naman siya dito e.
BINABASA MO ANG
Ethereal (gxg)
RomanceSerendipitous Taste Series #1 Darkness and loneliness, that was the two girls felt. What will happen if the two different worlds collide? Can they find the light and the happiness of each other? Or it'll be another darkness in their lives? A wealth...