Chapter 72

101 9 1
                                        


Bumalik naman agad ako sa opisina pagkatapos kong maihatid si Amaia. Panigurado sobrang mugto ng mata ko dahil sa pag iyak kanina. Buti nalang talaga at naisipan ko pang mag ayos ng sarili bago pumasok sa company.

Nang makatapak ako sa floor kung saan yung office ko takang tinignan naman ako ni Rachel. Maybe, she noticed my eyes. Magsasalita sana siya pero tinaas ko lang yung kamay ko para pigilan siya bago ako pumasok sa opisina ko.

Magtatanong lang yun.

Parang lantang gulay naman akong umupo sa swivel chair ko dito. Napahampas nalang ako sa noo ko nong maalala na lunch time na pala. Hindi ko man lang pinakain muna si Amaia bago siya hinatid. I hope she will eat her lunch.

Hindi naman ako gutom kaya tinawagan ko nalang si Rachel na bumili nalang siya ng pagkain sakanya lang. Pinagpatuloy ko nalang yung trabaho ko.

Hindi ko pa din maiwasang isipin yung napag-usapan namin ni Amaia. I bit my lower lip when I felt like crying again. Hindi naman ako iyakin pero tuwing maalala ko yun hindi ko mapigilan yung sarili ko. Amaia made me feel this.

Sinandal ko muna yung likod ko. Bumuntong hininga ako na nakatingin sa ceiling. Anong pwede kong gawin para mahulog ulit si Amaia saakin? But before that, should I pursue her? Kahit na sinabi niyang hindi pa siya handa? Or should I give her space? I know she needed that for herself. Sobra siyang nasaktan sa nangyari.

Napakurap naman ako bumalik sa reyalidad ng marinig ko bumukas yung pinto sa office ko. Sinamaan ko naman ng tingin si Rachel na parang wala lang sakanya yung tingin ko habang naglalakad papalapit sa table ko.

"How many times-" She cut me off.

"Did I tell you to knock on the door before entering. I know that already, Miss." Pinaikot niya pa yung mata. Inilapag niya rin sa table ko yung sandwich na bitbit niya.

Kunot noo ko naman tinignan yun.

"What's that?" Takang tanong ko bago sinulyapan siya ng tingin.

Tumaas naman yung kilay niya at tinignan ako na para bang ako yung pinaka bobo na tao dito sa mundo.

"Sandwich?" She said, stating the obvious.

I rolled my eyes at her.

Agad naman siyang lumabas sa office ko.

Napakunot naman yung noon ko ng biglang tumunog yung phone ko. Indicating that someone is calling me. Nagtaka naman ako ng unkwon number yung nakalagay.

Sa kaisipan na baka importante tong tumatawag ay sinagot ko.

"Hello, this is Nicki Avellino." I answered the call.

"Hello Nicki!" Kumunot lalo yung noo ko pagkatapos marinig yung boses sa kabilang linya.

Medyo pamilyar yung boses niya. I can't pinpoint where or when did I hear her voice.

"Who's this? And why do you have my number?" I asked.

"It's Angel Cortez, Amaia's favorite cousin." That's why her voice sounds familiar. At bakit ako tinawagan nito? Medyo maingay din ang background niya na para bang nasa airport siya.

Pano ko nalaman? Kasi may narinig akong announcement na boarding.

"Why did you call?"

"Iimbetahan sana kita na mag bar mamaya. I'm in the Philippines right now." Eh? Bakit ako iniimbetahan nito?

"Invite your cousin instead." I said, resting my back on my swivel chair.

Naging tahimik naman yung kabilang linya ng ilang minuto bago ko narinig yung buntong hininga niya. Nagtaka tuloy ako bakit bigla siya napabuntong hininga.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon