Chapter 56

99 8 0
                                        


"I know Cooper, you liked Amaia right? I know from the very start about your feelings towards her. I can see it from the way you look at her and all the things you will do to make her happy. Don't blame me because I know that you knew me already." I winced when I taste blood from my mouth. "Pareho lang tayo ng rason kung bakit tayo nagsinungaling sakanya. We lied in order to give Amaia her happiness. You lied about your feelings and sexuality to her while I lied that I cheated on her."

I felt Quisha's hand in my shoulder.

"Tama na Ki." She said in a whisper. Nilibot ko yung tingin ko sa kabuoan ng second floor.

Nakatingin na yung lahat ng tao dito saamin. Bumuntong hininga ako at tumango.

Napabaling naman ako when Cooper continued to walk pababa nang hagdan. Kaya pala inutosan ni Quisha si Avery na bumili ng inumin. Buti nalang talaga at malakas yung tugtog kaya hindi mapapansin sa ibaba yung mga pangyayari dito sa taas.

May trauma si Avery sa away, bata pa lang siya, kaya as much as possible ay nilalayo namin siya pag may-gulo na. Tinulongan naman ako ni Quisha para maka upo sa table namin. Sa usual spot namin.

"May sinabing balita saamin si Cooper kanina." Quisha said taking her seat. Nilingon ko naman siya wearing my bored look. "He said that Amaia is no longer in the Philippines. Kahapon daw siya umalis."

Tumango-tango naman ako sa sinabi niya. Yun naman talaga plano namin diba? Ang bumalik si Amaia sa pag-aaral niya sa ibang bansa. I just hope that Amaia's Dad will keep his words.

"Good for her." I simply said to Quisha

Sabay naman silang umiling dalawa dahil sa sinabi ko. What they expect to do? Cry infront of them? Mag-wala sa harapan nila kasi iniwan ako ng taong mahal ko? I'm not like that. I maybe lost my light but I'm sure this is just temporary.

"Hindi ko alam anong nangyari sainyo Ki pero naniniwala ako na kung may ginawa ka man na ikakasakit kay Amaia, may malalim na dahilan yun." Quisha said smiling at me.

Sinuklian ko naman siya ng tipid na ngiti. Tumayo din agad ako nong makita ko si Avery na nahihirapan sa mga dala niyang alak. Andami niya kasing dala, plano pa niya at ana patayin kami sa mga dala niyang hard liquor.

Oh, ito na mga madam. Tangina niyo. Mura niya pa habang umupo sa tabi ni Aislynn.

Natawa naman yung dalawa sa pagmumura ni Avery. Minsan lang siya magmura ng malutong pag talaga naiinis na siya ng sobra. At mukhang nainis talaga siya sa pag utos ni Quisha sakanya. Ginawa lang din naman yun ni Quisha para sakanya.

"Thanks alipin ko. " Quisha teases her more.

Avery then raised her hand showing her middle finger. Napapa-iling naman ako sa kabaliwan na naman nila.

"Can you enlighten us Ki? Kung ano talaga yung nagyari between you and Amaia? Because as far as I can remember okay naman kayo." Aislynn asked me frowning.

"I'm not ready to tell you guys yet." I said coldly. "Maniwala lang kayo saakin na hindi ko kayang mag cheat kay Amaia. I love that girl so much that I'm willing to let her go just to make her happy." I said opening the beer.

Wala naman akong narinig na reklamo sakanila. Kumuha nalang din sila ng kanyang-kanyang inumin nila. Wala akong planong mag lasing ngayon kaya ito lang ang iinomin ko pero mukhang iba yung plano ng mga kaibigan ko. Pero mukhang day off ni Aislynn bukas kasi hard liquor din iniinom niya.

Parang nagpapaligsahan lang sila Quisha at Avery kung sino ang una malasing sakanila. Napailing nalang ako. Seeing my friends like this ease my pain. Mawala lang ang lahat wag lang yung pamilya at mga kaibigan ko.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon