1 week na simula nong makauwi kami galing bakasyon. At sa isang linggo na yun ay palaging may nakatambay na taga media sa harapan ng company ko. Hindi pa rin sila sumusuko para lang makilala ako.
Kinausap ko rin yung mga employees ko nong nakabalik ako sa company. So far walang umaamin kung sino ang nagsabi sa impormasyon na yun. Every floor ng company ko ay pinababantayan ko ng dalawang guard. Pinag babawalan ko silang kumuha ng litrato saakin lalo na ang pag punta sa office ko.
Kailangan nila munang tawagan yung secretary ko kung pupunta sila dito. Kahit na importante yun kailangan nila dumaan kay Rachel. Alam ko naman na hindi kaya ni Rachel na traydorin ako. Malaki yung utang na loob niya saakin. At may tiwala naman ako sa kanya.
I have a trust issue. Mahirap kunin yung loob ko lalo na kung hindi pa kita gaano katagal nakilala. Except kay Amaia at Cooper of course. When I first met them, I'm very sure that they're trustworthy. Especially to my girl, she has all of my trust. I'm sure na wala naman siyang gagawin na ikakasakit saakin.
Isang linggo na din kaming hindi nagkikita. Abala din kasi siya sa hospital nila. Nakakausap ko lang siya through videocall. Ayaw niyang text kasi baka maabala namin yung isa't isa. Tuwing gabi lang din kami nakakapag-usap kasi yun lang ang free time namin.
Kinukulit din ako ni Ryuu na binaliwala ko lang. Palagi niya akong tinatawagan na para bang wala siyang kinaabalahan na trabaho. Kinukulit niya kasi ako kasi next week na raw flight niya pauwi dito sa Pilipinas. Sabi pa niya na sa penthouse ko raw siya titira. As if papayag si Amaia non. Sapak lang yung aabutin sakanya.
He will stay for a year din. Sabi niya break na daw niya yun kasi ilang years na siyang wala man lang kahit 1 month vacation. Palagi siyang tumatawid kung saan sila may hotel na bansa. May isa din silang hotel dito sa Pilipinas pero palagi lang yung pangalawa ang hotel niya. Ofcourse my hotels are in the top.
Minsan nga silent ko na yung phone ko para hindi na mag-ingay. Ibabalik ko lang yun pag umuuwi na ako. 1 week na rin ako tambak sa trabaho. Yung mga schedule ko kasi nong sa vacation ay na reschedule lahat kaya wala akong vacant na time since last week pa. Kahit ngayon na week wala din vacant.
Meeting doon, meeting dito. Perma doon, perma dito. Pakikipag-usap don, pakikipag-usap dito. Palagi ngang sumasakit yung ulo ko eh. Mukhang palagi din akong may hangover kahit hindi naman ako umiinom.
Nagyaya din nong last Saturday si Quisha sa bar pero tinanggihan ko rin. Sabi pa niya na kailangan ko daw ng break eh kakabreak ko pa nga lang eh. Kahit kahapon Sunday day off ng lahat may ginawa pa rin ako. Yung hindi ko natapos na trabaho ay dinala ko sa penthouse.
I'm currently signing a paper right now. Rachel informs me last week that Engineer told her that they will start the construction next week. They want me to be there. Kailangan pa ba talaga na pumunta ako don.
I sigh resting my back to the swivel chair when my phone turns on because someone is calling me. Hindi siya nag ring kasi nilagay ko yun sa silent mood. When I read who's calling me, I heave a sigh. Guilt is eating me.
"Hi Mom." I answered.
"Nakakatampo kana ha. Hindi mo man lang kami binisita simula nong nakauwi ka galing vacation niyo." Even tho I can't see her I'm very sure she's pouting right now.
"I'm sorry mom. I don't a vacant time last week and this week."
"Kahit ilang oras na vacant wala ka?" Tanong niya ulit.
Panigurado hindi niya ako titigilan ngayon kung hindi ako pupunta sakanila mamaya. Marami pa naman akong dapat tapusin ngayon.
"Wala talaga Mom." I said sighing.
![](https://img.wattpad.com/cover/299382519-288-k897522.jpg)
BINABASA MO ANG
Ethereal (gxg)
RomantikSerendipitous Taste Series #1 Darkness and loneliness, that was the two girls felt. What will happen if the two different worlds collide? Can they find the light and the happiness of each other? Or it'll be another darkness in their lives? A wealth...