Chapter 70

68 8 0
                                    


Nandito kami sa second-floor kung saan naka locate yung swimming pool nila Mommy.

Papasok sana ako ngayon sa opisina kung hindi lang nila ako pinigilan. Kinausap pa talaga nila si Mommy para kumbisihin rin ako. Kaya in the end kahit labag sa loob ay pumayag nalang ako.

Wala naman silang sinabing magiging plano namin ngayong araw. Trip lang talaga siguro nila na tatambay dito sa bahay para na rin siguro makapag relax. Bukas kasi ay balik kami sa kanyang-kanya naming mga buhay at alam ko matatagalan bago kami magkikita-kita ulit kaya susulutin na namin ngayong araw.

"Bakit pala hindi naka attend si Cooper kagabi?" Takang tanong ni Avery na nakatingin na ngayon kay Amaia.

Yung isa naman ay para bang may sariling mundo. Kung hindi pa siya kinalabit ni Aislynn na katabi niya siguro tulala pa rin siya hanggang ngayon.

"What is it again? Sorry I spaced out." She shyly said, scratching her nape.

"Nasan kako si Cooper bakit wala siya kagabi" Pagtatanong ulit ni Avery bago siya uminom ng juice. Napaayos naman ng upo si Amaia.

"I think he's in US right now. Sabi niya kasi kahapon ng umaga may biglang flight daw siya kaya hindi siya makakaattend ng birthday party ni tita" Paliwanag niya habang sinasandal yung likod niya sa lounge.

"Hindi talaga nagbabago yung baklang yun." Iling-iling nalang si Avery.

Hindi pa rin kasi nakatapos yung mga kapatid niya sa pag-aaral kaya hanggang ngayon todo kayod pa rin siya para sakanila.

Kahit naman tinutulungan na naman siya ay ayaw niya magpaawat na pag trabaho para sa mga baon ng kapatid niya at sa bayarin sa bahay nila.

Willing sanang tulungan ni Aislynn sa mga expenses nila kaso tumanggi na siya. Okay na daw yung libreng pagpapaaral namin sa kapatid niya kahit saang university nila gustong mag-aral. Siya na daw yung bahala sa gastosin nila. Hinayaan na rin namin kasi desisyon naman niya yun.

Hindi rin naman namin nakalimutan iparamdam sakanya na nandito lang kami kung kailangan niya ng tulong.

"Gosh, until now, I can't believe Nicki is still a virgin" Parang hindi makapaniwalang saad ni Brianna na maarteng umiinom ng juice sa baso niya.

Lahat sila ay may juice sa gilid ng kinauupuan nila habang tanging tubig lang yung pinalagay ko sa maid kanina.

Natawa naman yung mga kaibigan ko. Alam ko namang alam nila yung tungkol diyan kasi in the first place hindi naman sumagi sa isip ko yung makikipag talik.

I'm not like other girls, to be honest. Mas prefer ko pa rin na magpakasal muna saka na yung love making na yan. Hindi naman sa ayaw ko gawin yun, it's just that it'll be the best gift to your future partner in life.

Hindi nga lang makarelate yung mga kaibigan ko kasi maloko tong mga to.

Napaikot naman ako nong lumabas si Ryuu dito sa may pool. Ibinalandara pa talaga yung katawan niya. Well, Ryuu has a nice body naman. He has abs and a build muscle. Sakto lang yung muscles niya hindi masyadong malaki hindi rin masyadong maliit. But nah, that's a no for me kaya umiwas ako ng tingin. Kinuha ko nalang yung phone ko para mag open ng emails.

"Kala mo naman talaga maganda yung katawan e." Sabi pa ni Quisha na parang naaasar pa sa mukha ni Ryuu. Pinaglilihian niya ba si Ryuu? Wag naman sana ang asim ng mukha niya baka maging maasim rin yung mukha ng baby ni Quisha.

Narinig ko naman yung tubig sa pool, panigurado si Ryuu yung lumusong. Mahangin talaga kahit kailan.

"Come on, just admit it, girls. I have a nice body. Everyone dreams of being my girlfriend." Kahit hindi ako nakatingin sakanya sigurado akong nakangisi siya ngayon. Ang yabang talaga akala naman talaga niya hindi lang pera habol nila sakanya.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon