Chapter 39

120 7 0
                                    


Last day na namin dito sa LA. Friday na ngayon at bukas ng lunch time ay uuwi na kami para naman makapagpahinga kami sa Sunday.

Habang nandito kami ay wala kaming ibang ginawa kung hindi ang gumala. Kalahati ng LA siguro ay nalibot na namin. Kung hindi lang kami uuwi this week ay baka nalibot na namin yung LA. Tuwing gabi naman ay minsan nag babar kami, kung pagod naman kami sa galaan ay dito lang kami sa suite umiinom. Para naman magamit namin yung mini bar dito.

Hindi din mawawala yung pagtakas naming dalawa ni Amaia sa mga kasamahan namin para naman ma solo namin yung isa't isa. Kahit naman hindi ko sabihin ay panigurado naman na alam na nila na may namamagitan saaming dalawa ni Amaia. But they didn't know that we're in a relationship na. Hindi din naman sila nagtatanong.

Napag-usapan din namin ni Amaia na private muna yung relasyon namin lalo na na bago pa kami. Private pero hindi namin itatanggi kung sakaling may magtanong sa relasyon namin. Sinabi din niya na hindi rin namin papatagalin yung pagsabi sa mga parents namin yung relasyon namin.

She wants me to tell the public that I'm the only daughter of Nike Avellino, but I refused. Suportado naman siya sa desisyon ko at sinabi na nandito lang siya sa tabi ko kung magiging ready na ako. Gulo niya din noh? Gusto niya na private muna relasyon namin tapos gusto niya na ipakilala ako sa boung mundo.

We're in a relationship for 3 days now. Nasa getting to know each other stage kami na nasa in a relationship din. Yung rason din daw ni Amaia kung bakit niya ako sinagot kasi narealize niya na mas okay kung kami na kasi doon naman din ang punta namin diba?

Pansin ko rin ni Amaia na selosa siya. Everytime na pumupunta dito si Ryuu ay hindi siya umaalis sa gilid ko. She don't want to left me especially na kami lang ni Ryuu dalawa and I'm okay with that. Kasi doon ko rin nararamdaman na may feelings siya for me.

Kasalukuyan kami nasa balcony na nasa living room namin habang yung mga kasamahan namin ay pinagpatuloy yung naudlot nilang panonood ng All of Us Are Dead. Hindi ko alam pero nawalan na talaga ako ng interes sa mga kdrama. Dati naman ay adik ako nong highschool ako pero nong nag college ako ay bigla nalang nawala yung pagka-interes ko don.

I hugged Amaia from behind while she put her two hands in the railings. Ninamnam lang namin yung malamig na hangin ng LA habang tinatanaw yung magandang tanawin. Gabi na dito kaya sobrang ganda ng tanawin. Iba't ibang ilaw sa kapaligaran.

"Uuwi na tayo bukas." Bigla nalang sabi ni Amaia na hinawakan yung kamay ko na nakayakap sakanya.

"Yeah." I just simply said sniffing her hair.

Grabe pati buhok niya amoy strawberry.

"Magiging busy tayo pareho panigurado hindi na natin masyadong makikita ang isa't isa." May himig na lungkot sa kanyang tono pagkasabi niya non.

Bumuntong hininga naman ako bago binawi yung kamay ko na naka yakap sakanya. Binalingan naman niya ako ng tingin na naka kunot ang noo. I give her a small smile while placing a strand of her hair behind her ear.

"Did you forget that I'm already the owner of my parents' company?" I said raising her brow.

Inikot niya naman yung mata niya na ikinatawa ko. I kiss the tip of her nose while caressing her face with my both hands. Amaia has a chubby cheek that I love. Napaka lambot nito na parang ang sarap kagatin.

"Hindi ko naman nakalimutan yun. I know you have a lot of responsibilities in the Philippines Ki. Ayaw ko naman na baliwalain mo yun dahil saakin." She said while pouting.

Ang cute talaga ng babae na to.

I peck her lips before hugging her.

"I know love. I won't promise anything, but I'll do my best to visit you everyday. Kahit mga 5 minutes lang sakto na mahalikan at mayakap ka lang." I said planting a small kisses in her head.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon