Napabalikwas naman ako ng bangon nong may narinig akong kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Agad din ako napasapo ng ulo ko nong naramdaman ko yung sakit.
"Ma'am pinapababa na po kayo ng Mommy niyo." Sabi ng maid sa labas.
"Got it" I simply said while rubbing my head.
Kahit pala hindi nakakalasing yung wine may epekto pala talaga iyon. Parang binibiyak yung ulo ko sa sobrang sakit. Anong klaseng wine ba yun?
Nang mahimasmasan ako ay bumangon naman agad ako para mag ayos ng sarili. Nag hilamos at nag toothbrush lang ako sa bathroom. Mamaya nalang siguro ako maliligo.
Saktong pagkalabas ko ay yun din paglabas ni Amaia isa sa guestroom nila Mommy. Sapo niya yung ulo niya. Siguro she's suffering a hangover right now.
Inangat niya yung paningin niya. Nagulat naman siya nong makita niya akong nakatingin sakanya. Sapo niya pa rin yung ulo niya habang naka kunot yung noo nakatingin saakin.
Bumuntong hininga nalang ako at umiling bago siya tinalikuran. Kasama niya si Aislynn at Avery sa kwarto habang si Brianna at Rachel ay magkasama sa kabilang kwarto. Mag isa naman si Ryuu sa isang guestroom kasi siya lang naman yung lalaki.
Hindi na sila nakauwi kagabi dahil sa pagkalasing habang si Quisha naman ay kinuha ng fiancè niya gaya ng sabi niya. I don't want to think how the hell I manage to get them to our guestroom. Akala mo naman talaga sobrang gaan nila. Dahil kasi sa sobrang pagkalasing ay hindi na sila masyadong nakakalakad.
Pagkapasok ko sa dining ay nakita ko na agad yung mga kaibigan ko na lahat sila ay sapo ang kanilang mga ulo. Napailing nalang ako bago humalik sa pisnge ng magulang ko.
"Good morning anak, take a sit and eat." Mom said, gesturing me to sit beside her.
Tumango naman ako bago umupo. Sakto rin pagkapasok ni Amaia na presentable na yung mukha. Mukhang wala nga siyang iniindang sakit sa itsura niya ngayon e.
"Good morning tita, tito." Pagbati niya sa magulang ko na may ngiti sa labi.
"Good morning ihja, take a sit and eat." Daddy said to her, gesturing to sit in an empty seat.
At kung minamalas ka naman sa katabi ko pa yung bakante na upuan. Nasa kabilang side kasi yung mga kaibigan ko except kay Ryuu kasi wala pa siya dito. Siguro hanggang ngayon ay natutulog pa yun.
I came back from reality when I felt her arms slightly touching mine. I look at her, but she's just busy putting food on her plate. Napatingin din siya saakin nakalipas ng ilang minuto. Taka naman niya akong tinignan bago pumunta yung tingin niya sa walang laman na pinggan sa harap ko.
"Anak, don't you like the food?" My mom asked me.
Napaiwas naman ako ng tingin kay Amaia bago lumingon kay Mommy who's giving me a questioning look. Ngumiti ako ng tipid sakanya bago umiling.
"No mom, I'm just waiting for my coffee?"
Hindi siguradong sagot ko kay Mommy.
Tumango naman siya bago sinenyasan yung isang katulong para ipagtimpla ako ng kape.
"Where's Manang by the way?" I asked my parents while putting a food I wanted to eat.
Naglagay lang ako ng slice bread, sunny side up, and hotdog sa plate ko.
"Resting in her room." My Mom answered wiping the side of her mouth.
I think she's done eating already habang ako ay hindi pa rin nagagalaw yung nilagay ko sa plato ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/299382519-288-k897522.jpg)
BINABASA MO ANG
Ethereal (gxg)
Roman d'amourSerendipitous Taste Series #1 Darkness and loneliness, that was the two girls felt. What will happen if the two different worlds collide? Can they find the light and the happiness of each other? Or it'll be another darkness in their lives? A wealth...