"Gosh, ang ganda pala ng boses mo Amaia." Maarteng sabi ni Quisha kay Amaia.
Amaia just chuckled beside me while I'm just staring on the table infront of us.
"Medyo lang naman, my mom used to sing when she's younger. Siguro sakanya ko namana yun." Amaia said habang inaayos yung jeans jacket ko na nakapatong sa shoulder niya.
"I agree to Quisha, sobrang ganda ng boses mo. Ang galing mo rin sumayaw sexy." Avery said smirking while looking at me.
Sinamaan ko naman siya ng tingin at ang gaga tumawa lang. I just rolled my eyes at her taking a bottle of san mig light. Pass muna ako sa mga hard drinks, may trabaho pa ako bukas.
"Buti naman at pinagbigyan mo si Quisha." Avery said sipping to her champagne. Wala din ata tong planong mag lasing.
"Yes, wala din naman akong magawa sa bahay e. Atsaka minsan lang din naman to kaya pinagbigyan ko nalang. Namangha nga ako e kasi bar tapos ang wild ng mga tao na akala nila nasa club nila." Amaia said chuckling. May hawak na din siyang san mig light sa isang kamay niya habang yung isang kamay naman ay nakahawak sa jean jacket ko, para siguro hindi malaglag.
"Parang ako lang, innocent in the outside but wild in the inside." Quisha said smirking.
Tumawa naman yung mga kasama ko. Hindi kasi innocent look yang si Quisha kaya sila natawa. Minsan talaga napaka sinungaling yang Quisha na yan. Quisha just pout her lips.
"Paano pala kayo nagkakakilala?" Amaia ask us curiously.
"Highschool na kami nong nakilala ko silang tatlo." Pagsisimula ni Aislynn. "Nagkakakilala kami dahil sa may contest na kailangan mag participate yung school namin. Apat na students kailangan kaya sa apat na section kumuha sila ng isang student per section."
"At kaming apat yung napili." Pagpatuloy ni Avery. "The highest section is Nicki, the second is Aislynn, the third is me. And the last section is Quisha."
Naalala ko pa yun. Since grade school magkaibigan na kami ni Quisha. She's the bully while I'm the savior. Ako palagi ang tumutulong sa mga binubully niya.
"Magkakilala na si Nicki at Quisha since gradeschool." Patuloy ni Avery.
Both Aislynn and Avery nakilala ko lang nong kami ang pinili para sa contest.
"Since then we became friends. Medyo nahirapan lang kami makipag close kay Nicki kasi tahimik lang siya." Pagtatapos ni Aislynn.
Amaia curiously looks at me. I raised my brow at her. She just give me her sweet smile before looking away. Kumunot naman yung noo ko sakanya. What was that?
"Matatalino pala kayong apat." Amaia said nodding her head. Tumango din naman yung tatlo habang umiinom sa mga hawak nila.
"Do you have a group of friends Amaia?" Aislynn ask her.
Narinig ko namang bumuntong hininga si Amaia as tabi ko kaya tinignan ko siya na naka kunot ang noo. Buti nalang talaga na sa table siya nakatingin kaya hindi niya ako mapapansin.
"Kagaya ni Nicki tahimik din ako. Ako yung pinaka tahimik sa classroom namin. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila akong makausap siguro kasi hindi ko rin sila kinakausap." Amaia said chuckling. "Si Cooper lang talaga nagtry na kausapin ako kaya since then siya lang yung kaibigan ko." Amaia said sipping to her drink.
I envy her, kasi habang sinasabi niya yun para lang siyang walang pakialam kung may kaibigan ba siya o wala. Ganun din naman ako pero ang sarap lang siguro sa pakiramdam na hindi ka lang mag-isa na ganun. Na okay lang na walang gustong makipag kaibigan sayo as long as you have yourself.

BINABASA MO ANG
Ethereal (gxg)
RomansSerendipitous Taste Series #1 Darkness and loneliness, that was the two girls felt. What will happen if the two different worlds collide? Can they find the light and the happiness of each other? Or it'll be another darkness in their lives? A wealth...