Chapter 34

149 7 0
                                    


Pumasok naman agad si Aislynn sa kusina habang si Amaia naman ay kanina pa ako tinutulak. Hinalikan ko muna siya ulit bago tumayo. Tinulongan ko din siyang tumayo by offering my hand to her. Tinanggap naman niya agad at inayos yung sarili.

Lumabas din agad si Aislynn na may dalang water bottle na para bang wala lang sakanya yung nakita niya kanina. Kung wala naman pala siyang pakialam don, bakit niya naman kami pinigilan.

"I'm more concerned to the couch." Pagsasalita bigla ni Aislynn bago pumasok ulit sa kwarto.

I frowned at that. Did I just voice it out?

"Yes." Amaia said chuckling a little.

Seryoso ko naman siyang tinignan at tinikom naman niya agad yung bibig niya. Bumuntong hininga muna ako bago hinalikan yung noo niya.

"Rest, for sure marami tayong papasyalan bukas." I said to her.

Tumango naman siya at pumasok na sa kwarto nila Aislynn. Pumasok na rin ako sa kwarto ko bago kumuha ng pamalit na damit. It's already 10 in the evening. Hindi nalang ako maliligo. Half bath nalang yung gagawin ko kasi tinatamad akong magpatuyo ng buhok ko.

Pagkatapos ko magbihis ay sumampa agad ako sa kama. I opened my emails using my phone to check if it has an important mail. So far wala naman akong nakikitang importante. Hindi rin tumawag saakin si Rachel so ibig sabihin lang non ay wala pa namang problema sa company. Sana nga lang wala din magiging problema bukas.

Pinatay ko na yung lamp shade na nasa night stand at umayos na rin ng higa para matulog.

Pagkahiga ko pa lang ay pumasok agad sa isipan ko yung nangyari sa bar. God, she's so hot while screaming my name. I can't wait to do that again.

Si Amaia na yung naisip ko hanggang sa lamunin na ako ng antok.

~~~

Nagising ako nong may narinig akong katok sa pinto. Hindi sa pinto ng kwarto ko kung hind isa main door ng suite na to. Ang lakas kasi nang pagkatok kaya naririnig ko yun kahit dito sa loob ng kwarto ko.

Bumangon ako sa kama para sana buksan yung kumakatok pero bigla nalang natahimik yung suite. Siguro binuksan na yun sa isa kong kaibigan.

Pumasok muna ako sa bathroom para maghilamos at mag toothbrush.

Nang matapos na ako sa ginagawa ko ay kumuha rin ako ng robe para ipangtakip sa katawan ko na tanging manipis na night dress lang yung suot ko.

Pagbukas ko pa lang sa pintuan ng kwarto ko ay nakita ko agad si Ryuu na tinutulungan yung bell boy maglagay ng pagkain sa kusina. Oh, I almost forgot, dito pala siya kakain ng breakfast sabay namin.

Habang abala sila sa pagkukuha ng breakfast ay pumasok muna ako sa kusina. Nagulat naman ako nong madatnan ko si Amaia na naka sandal sa countertop habang umiinom ng tubig. Hindi maipinta yung mukha niya.

Nang mapansin niya ako ay tumaas yung kilay niya habang pinag-mamasdan yung katawan kong natatakpan ng robe. That brought a smirk to my face.

"Eyes up here, Ms. Evans." I said crossing my arms to my chest.

She just rolled her eyes at me. Napangisi naman ako sa ginawa niya bago lumapit sakanya. Hinigit ko yung bewang niya para mas maglapat yung katawan namin dalawa. Medyo nalukot yung roba na sinoot ko resulta ng pag-bungad ng cleavage ko sakanya.

Lumaki naman yung mata niya at agad umiwas ng tingin.

"Good morning." I softly greeted kissing her temple.

"M-morning." Sagot naman niya na medyo nauutal pa.

Hindi pa rin niya ako tinitignan sa mukha. Natatawang lumayo naman ako nong marinig kong may pumasok sa kusina. Ryuu entered the kitchen holding our breakfast. He was shock when he sees I'm already at the kitchen. Kasunod din niya yung tumulong sakanya.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon