Chapter 41

127 10 0
                                        


The captain just safely landed my private jet in the NAIA terminal 1. Nag text na din saakin si Rachel kanina na nasa airport na sila.

Tumayo na yung mga kasamahan ko kaya tumayo na rin ako. The flight attendants are taking our luggage. Tumingin naman saakin si Amaia wearing her worried look. I give her a reassuring smile before getting closer to her to kiss her forehead.

Tumango naman siya at binigyan rin ako ng ngiti.

"Wear your sunglasses guys." I instructed them getting my sunglasses from my handbag.

Tumango naman sila at sinuot yung mga sunglasses nila. We look so hot. Sasambahin na siguro ng mga lalaki dinadaan namin kung nakita kami. Sorry nalang sakanila, we're all gays. Except pala saakin, si Amaia lang naman nakapag-baliko saakin.

Nanguna naman bumaba si Yumi habang tinutulongan siya ng mga flight attendants. Ako naman yung panghuli. Nang maka labas ako ay ninanamnam ko na muna yung simoy ng hangin sa Pilipinas. Kahit naman na maraming pollution dito pipiliin ko pa rin manirahan dito noh.

Iba talaga yung sariling atin.

Nakita ko naman yung limousine na nasa harapan lang nang hagdanan nitong private jet. Yung mga kasamahan ko ay abala sila sa mga phone nila. Si Quisha at Yumi ay parang may tinatawagan habang yung tatlo naman ay may ka text lang.

Rachel and Mark bow their head when they saw me. Tumango naman ako at sinenyasan si Rachel na lumapit saakin. May isang sasakyan din sa likuran ng limousine na lumabas yung apat na bodyguards. Kilala ko sila kasi mga bodyguards to nila Mommy.

Nag bow rin sila saakin na simpleng tango lang ang sinagot ko.

"Update." Pambungad ko agad kay Rachel nong makalapit na siya.

"Expected ma'am maraming taga media naghihintay sayo sa harapan ng airport. Pero sinigurado namin na walang makakapasok kahit isa sa kanila." She said.

Tumango naman ako sakanya. "Good." I said before started to walk towards my friends.

Tapos na din sila sa ginawa nila kanina at binalingan ako. Nakita ko rin yung pagnanakaw ng tingin ni Quisha sa babaeng nasa likuran ko. Habang yung isa naman ay nahihiyang iniyuko yung ulo.

I mentally smirk, hindi ko to plinano ha.

"Kung may mga sundo kayo pauwion niyo na. They're a lot of media outside this airport, it's not safe for us. Isa-isa namin kayo ihahatid gamit yung limousine." I said to them gesturing Mark to open the limousine door.

Yung apat bodyguards naman ay kinuha yung mga dala naming luggage at nilagay sa compartment. Wala naman akong narinig na pagtutol galing sakanila. Dahil na rin siguro sa nararamdaman nilang pagod. Kahit ako na medyo sanay na sa byahe out of the country hindi ko pa rin maiwasang magkaroon ng jetlag lalo na pag malayo yung byahe.

Isa-isa na silang pumasok sa limousine habang kaming dalawa ni Amaia naman ay nagpa-huli. Hindi naman halata na gusto naming magpa-huli palagi diba? Amaia gave me her smile before entering the limousine. Bumuntong hininga muna ako bago sumunod sakanya.

"At the back of this airport." Sabi ko agad kay William pagka-pasok ko. Nasa passenger seat din si Mark habang si Rachel ay nasa katabi ni Quisha. Pinagitnaan nilang dalawa ni Yumi yung bestfriend ko.

Nakikita ko sa mukha ni Rachel na hindi siya komportable. Alam naman natin kung bakit. Mukhang wala din alam si Yumi kasi parang wala naman sakanya yung presence ni Rachel.

Nakita ko namang tumango si William bago nagmaneho papuntang likuran nitong terminal.

"So, she's your secretary Ki?" Aislynn asked me while pointing Rachel.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon