Chapter 58

93 4 0
                                        


When the lunch time came, may inutusan ulit si Mommy para pababain ako. Kahit tinatamad ay bumaba nalang ako. I don't want my mom to drag me downstairs.

Yung stepmom na mismo ni Avery yung nag deliver. Sabi niya kasi na hindi na niya papalampasin na makita niya kung sino talaga yung tagapagmana ng company ni Dad. So obviously wala talagang sinabihan sila Dad about me, pero alam naman nila na may anak sila Dad. Hindi nga lang sinabi kung babae ba ito o lalaki.

Avery's stepmom shook my hand carefully na para bang iniingatan akong kayamanan. I just shook my head at her. Buti nalang talaga hindi niya yun nakita pero si mom ay sinamaan ako ng tingin so nakita niya siguro yung ginawa ko.

Nag-usap lang sila ni Mommy kaya nagpaalam agad ako na babalik sa kwarto ko. Dinahilan ko nalang na marami pa akong kailangan basahin at permahan na documents. Hinayaan lang naman nila ako kasi abala na silang dalawa sa pag-uusap. Tinignan ko rin si Dad sa office niya na nadatnan kong may binabasa. Kinamusta ko lang siya bago ako pumasok sa kwarto.

Buong mag-hapon ay pagbabasa at pagpeperma lang ginawa ko. Bumaba lang ako nong tinawag ulit ako ni Mommy para sa lunch namin. Uuwi na sana yung stepmom ni Avery pero pinilit siya nila Dad na dito na mag lunch. Wala siyang magawa kung hindi ay pumayag nalang pero nagpaalam muna siya saamin na tatawagan yung asawa niya para magpaalam.

Sa lunch namin ay sila lang yung palaging nag-uusap. Sinasali nila ako paminsa-minsan pero tipid lang yung sinasagot ko. Ayoko lang kasi magsalita kasi sigurado ako mahaba yung magiging speech ko mamaya. Nag-iipon lang ako ng laway.

Saktong pagkatapos ko mag lunch ay yun din yung pagdating ni Rachel dala-dala yung magiging speech ko mamaya. Inutusan ko kasi siya kahapon na gumawa ng speech for me. Hindi lang rin siya nagtagal kasi sabi niya ay madami pa ring reporter umaaligid sa labas ng company ko.

Sinabi ko rin sakanya na sabihin sa mga reporter na magpapakilala na ako ngayong araw na ito.

Sinabihan din ako ni Mommy na magdadala daw sila ng maraming body guards para sa safety namin tatlo na sinangayonan ko agad. Nagpaalam ulit ako na pumunta sa kwarto. I decided to just take a nap first before continuing what I'm doing.

Dalawang oras din yung naging tulog ko at pag-gising ko ay saktong 3pm na ng hapon. Bumuntong hininga ako bago bagot na bagot tumayo sa kama ko. Pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko kanina.

"Anak, you need to take a shower. 30 minutes from now dadating na yung makeup artist." Pagkatok ni Mommy saakin.

"Okay Mom." I said while grabbing my phone to check the time. It says that it's already 5 in the afternoon.

Bumuntong hininga ako bago kinuha si Lily na nasa lap ko natutulog para ilagay siya sa bed ko. Buti nalang talaga ay hindi siya nagising. Napagod siguro kasi habang abala ako sa pagbabasa ay naglalaro din siya dito sa loob ng kwarto ko. Kaya nong tumitingin nalang siya saakin na para bang binabantayan ako habang hinihingal ay nilagay ko siya sa lap ko. Nakatulog naman agad siya kaya hanggang ngayon hindi pa siya nagigising kahit na nilagay ko siya sa kama.

Kinuha ko agad yung towel at bathrub. Nagpasya ako na magbabad muna sa bathtub, para na rin makapag-isip-isip sa gagawin ko mamaya. Nagchat din saakin yung mga kaibigan ko na magkikita nalang kami sa venue mamaya. Isasabay nalang daw ni Aislynn si Avery kasi hindi pwede si Quisha. Susundoin daw siya ng girlfriend niya.

Ilang minuto ako nagbabad sa bathtub bago ko napagdesisyonan na magbanlaw. Nasabi ko na ba na kinukulit ako ni Ryuu kaninang umaga pa lang. Gusto niya na magsabay kaming pumunta sa venue mamaya na hindi ko sinangayonan kasi ayokong maging laman ako sa balita na kasama ko si Ryuu. Malaking issue na naman yun panigurado.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon