Chapter 30

153 8 0
                                    


Nang matapos na yung six episode ay napag-desisyonan na nila umalis. Pero bago kami umalis ay nagbihis muna kami sa kanyang-kanyang kwarto. I just wore a simple white shirt and shorts. Nag gucci sneakers rin ako.

I didn't applied any make up kasi gagala lang naman kami. Oo nga pala after namin gumala pupunta pala kami sa bar kuno.

Bakit pa kami pupunta don kung may mga liquor naman na dito? Maybe because they want to go to different places here in LA. Hindi ko rin sila masisisi kasi minsan lang namin to magagawa kasi lahat kami ay abala sa mga trabaho namin. Buti nga at sumama sila saakin e.

Siguro naisip nila na kailangan din nila ng break sa work.

Kinuha ko rin yung Aviator Sunglasses ko at nilagay sa ulo ko. I sprayed my favorite perfume before grabbing my phone.

Taman nga ako may 10 missed calls si Mommy, 2 missed calls kay Daddy, 1 missed call kay Manang Nini, at 5 missed call kay Ryuu. Thankful din ako kasi walang missed calls si Rachel so ibig sabihin lang non na walang problema yung company.

Matapos ko tignan yung phone ko ay lumabas na rin ako. Yung wallet at phone ko lang ang dadalhin ko. Tinatamad ako mag-dala ng bag e.

Nadatnan ko si Avery at Amaia sa living room nag-uusap. Tumatawa sila kung ano man ang pinag-usapan nila.

Amaia wearing a maroon croptop and black jeans partnered with white sneakers. Kay Avery naman ay naka floral dress siya.

Pareho nila akong nilingon nong umupo ako sa single sofa. Binigyan lang ako ng matamis na ngiti ni Amaia bago pinagpatuloy yung pag-uusap kay Avery. Hindi din nagtagal ay lumabas na si Aislynn at Quisha sa kwarto nila.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Avery kay Aislynn.

Siya naman yung nag suggest nito kaya siya dapat mag-isip kung saan kami pupunta.

"We're going to Olvera Street. Malapit lang yun dito siguro nasa 5 minutes drive lang yun. Sagot naman ni Aislynn na abala sa phone niya.

Siguro nag research siya about sa lugar na pupuntahan namin.

"Bakit hindi kaya tayo nagtanong kay Ryuu kanina noh?" Takang tanong naman ni Quisha na maypahawak-hawak pa sa baba niya.

"Nawala sa isip natin dahil sa pagod. " Sagot naman ni Aislynn sakanya. "I already booked a car kanina so baka nasa parking lot na yun."

Tumango naman kami at sabay-sabay tumayo.

Binigay naman saakin ni Quisha yung key card para ako na daw ang mag lock. Pinauna ko na silang lumabas habang nasa likod ko naman si Amaia.

Nang makalabas na yung kaibigan ko ay hinarap ko naman si Amaia. Bigla naman niyang sinuggaban ng halik yung labi ko at dahil sa gulat ay hindi agad ako nakatugon.

Lumayo naman agad siya bago ko pa matugonan yung halik niya. I raised my brow questioningly. Tinignan ko rin yung pintuan at buti nalang nasa elevator yung mga kaibigan ko naghihintay.

"I just want to taste your lips again." She said seductively winking at me before exiting our suite.

Hindi naman ako makapaniwalang bumuntong hininga. This girl never failed to surprise me. Hindi ko na maalala kung pang-ilan ko na sinabi yan simula nong makilala ko si Amaia.

I shooked my head exiting the suite. Ni lock ko muna yun bago ako naglakad papuntang elevator kung saan naghihintay sila. Tumingin naman sila lahat saakin habang si Amaia ay pinundot na yung elevator button.

"What took you so long?" Quisha asked me frowning.

I was just checking the suite. Palusot ko nalang.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon