Walang gana ko naman pinapakinggan yung mga nagbibigay ng mensahe para kay Mommy. Tanging yung mga kaibigan lang niya yung nagbibigay ng mensahe sakanya. Kasali na don yung mga parents ng mga kasamahan ko dito sa mesa.
Kanina lang din natapos yung kainan. Gusto kasi ni Mommy na kumain muna bago talaga magsimula yung party niya. Kala mo naman talaga na madaming program na gagawin e tanging pagbibigay mensahe at yung mensahe niya lang naman mismo ang gagawin.
Habang abala yung pagsasalita Mommy ni Amaia sa mini stage kung saan naka upo rin si Mommy sa gitna bigla napabaling yung tingin ko dito sa katabi ko nong nasagi niya yung kamay ko na nakapatong sa lap ko.
Ewan ko lang kung aksidente ba yun o sinadya niya talaga yun. Napagitnaan ako nila Ryuu at Amaia.
Bigla nalang kasi lumipat si Amaia sa mesa namin nong nagsimula ng kumain kanina. Wala lang din naman yung sa mga kaibigan ko kasi in the first place belong naman talaga siya sa grupong to.
Nong tinanong naman siya ni Avery kung bakit siya lumipat tanging sagot lang niya ay "I can't relate to them." Naniwala naman sila agad sa rason ni Amaia kasi puro din matatanda yung kasama niya don.
Pero, I don't believe her reason. I just felt that there was something else. Kanina ko pa kasi napapansin na palaging tumitingin si Amaia sa pwesto namin nong hindi pa siya lumipat dito. Para bang may binabantayan siya? Kung meron man sino naman yun?
Hindi ko din maiwasang mahagip yung masamang tingin niya everytime na may binubulong saakin si Ryuu kanina. I don't want to assume.
"Mukhang ikaw na yung masusunod Ki." Ryuu whispered enough for me to hear.
Pero mukhang narinig pa rin yun ni Amaia kasi binalingan niya kami ng tingin. She just rolled her eyes bago tumingin ulit sa mini stage na ngayon ay si Daddy na ang nagsasalita. Walang gana ko naman iniyuko yung ulo ko.
Ayokong pakinggan yung mensahe ni Daddy kay Mommy ang corny ng mesnahe niya panigurado. Kahit ayoko talaga maging center of attention ngayong gabi alam ko naman na hindi ko yung mapipigilan. I need to give my mom a message para naman hindi na siya magtampo.
Narining ko naman yung pagpalakpak ng mga tao kaya iningat ko na yung paningin ko. Sakto namang hinalikan ni Daddy sa labi si Mommy kaya umiwas agad ako ng tingin. Napabaling ako sa pwesto ni Amaia na nakatingin na ng seryoso saakin ngayon.
"Bakit parang iwas na iwas ka sa mga sweet gesture ng parents mo?" She asked me.
Nagkibit balikat lang ako sakanya bago ibinalik yung tingin sa mini stage. Hindi ko rin kasi alam kung bakit basta ang cringe lang para saakin pag nakikita ko yung parents ko na ang sweet nila sa isa't isa.
"Mrs. Avellino here requested me na ipahuli talaga tong tao nato." The emcee said, pointing to my mother, who was now smiling widely at me.
Kahit wala pa silang sinasabing pangalan alam kong alam na ng lahat na ako yung tinutukoy ng emcee na to.
"Requesting of Mrs. Avellino's daughter to give a message to her lovely mother. Ms. Nicki Ann Avellino." The emcee announced.
Narinig ko ulit yung palakpakan sa paligid namin. Nakita ko rin pumapalakpak si Mommy hindi pa rin inaalis yung tingin saakin.
Sabay kaming tumayo ni Ryuu sa kanyang kanya naming upuan. He then guided me towards the mini stage.
Nagpasalamat naman agad ako sakanya nong nakaakyat na ako sa mini stage. Ngumiti lang siya saakin at tumango. Bago pa man makatalikod si Ryuu the emcee stops him.
Rinig na rinig talaga yun kasi naka microphone pa siya. Tumingin naman yung lahat sa emcee ngayon na pabalik-balik na yung tingin saaming dalawa ni Ryuu.
![](https://img.wattpad.com/cover/299382519-288-k897522.jpg)
BINABASA MO ANG
Ethereal (gxg)
RomantikSerendipitous Taste Series #1 Darkness and loneliness, that was the two girls felt. What will happen if the two different worlds collide? Can they find the light and the happiness of each other? Or it'll be another darkness in their lives? A wealth...