"So ano na? Gusto ko na magpahinga." Maktol ni Avery na para bang gusto na niyang humiga sa sahig.
Napabuntong hininga ako ng walang sumagot sakanya. Siguro talaga sobrang pagod na nila. Hindi na nga nag-iingay si Quisha. "Quisha and Avery don kayo sa room na pandalawahan. Aislynn and Amaia don din kayo sa isa. Ako naman don sa kwarto na isa lang ang kama." I explained to them grabbing my luggage.
Wala naman akong narinig na pagtutol sakanila at kinuha nalang din nila yung mga luggage nila.
"11 am yung early lunch natin, make sure na magigising na kayo niya." Paalala ko sakanila bago pumasok sa sarili kong kwarto.
Parehas lang din naman yung room dito at room ko sa penthouse, ang pinagkaiba lang ay may maliit na chandelier sa paanan ng kama, maliit na wardrobe, at veranda. Nilagay ko muna yung maleta ko sa may paanan ng kama at lumabas sa veranda. Sinalubong agad ako ng malamig na hangin tumatama sa mukha ko.
Isa ito sa gusto ko dito, kahit summer ay malamig pa rin yung hangin. Tinignan ko muna yung kabuoan ng LA habang ninanamnam yung hangin.
Nang nakaramdam na ako ng pagod ay pumasok na ako as kwarto ko. Sinigurado ko muna na sirado yung veranda pati yung kurtina para yung araw ay hindi pumasok sa kwarto.
Pinatong ko yung luggage ko para kumuha ng susuotin ko. Hindi kasi ako magiging komportable kung hindi ko ito papalitan.
I'll just wear a simple black oversized shirt and short shorts. Pinonytail ko rin yung buhok ko para hindi sagabal sa pagtulog ko.
Pagkahiga ko pa lang sa kama ay nakatulog na agad ako.
~~~
Napabalikwas ako ng bangon nang may narinig akong kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Sino na naman bwesit ang istorbo sa tulog ko. Kung makakatok akala mo sisirain na yung pinto e.
"What?!" I irritatedly shout to the person who's knocking at my door.
"KUNG MAKA UTOS KA SAAMIN KANINA NA KAILANGAN KAMI GUMISING NG 11 TAPOS NGAYON IKAW PALA YUNG LATE MAGISING SAAMIN!" Sigaw ni Quisha sa labas.
Fuck! Ang ingay talaga ng babaeng to. Buti nalang at tumigil na siya sa pagkatok, sumagot na kasi ako kaya panatag na siya na magigising na ako. I rolled my eyes before standing up to my bed. Nag stretching muna ako bago pumasok sa banyo at nag hilamos.
Parehas lang din yung banyo dito at banyo ko sa penthouse, yung bathtub lang ang pinagka-iba.
Lumabas na rin ako agad pagkatapos ko mag ayos ng sarili ko. Dumiretso na agad ako sa kusina kasi alam kong nandun na sila. Natigil yung pag-uusap nila nong pumasok na ako sa kusina. Tahimik lang akong kumuha ng fresh milk sa fridge.
Umupo na rin agad ako sa tabi ni Amaia. Tahimik pa rin sila. Ano ba ang problema ng mga to?
"What's the problem?" I ask them raising my brow. Tinignan ko rin sila isa-isa sa mga mata.
"Buti naman at nagising kana mahal na prinsesa." Quisha sarcastically said.
"Anong oras na ba?" Bagot kung tanong sakanila. Masyado nila kasi binibig deal yung late kong pag-gising.
"11:30 na po, hulaan mo kung anong oras kami nagising?" Tanong ni Quisha na kumukuha na ng pagkain para ilagay sa plate niya.
Ang daming inorder ni Ryuu para sa lunch namin, lahat pa ay mga famous dishes dito sa LA. Alam ko yun kasi ito minsan kinakain namin pag mayka-meeting kami dito sa LA. Hindi naman ako nakapamasyal dito kasi 1day lang ako nag stay dito. Pag-katapos ng meeting namin ay uuwi agad ako.

BINABASA MO ANG
Ethereal (gxg)
RomanceSerendipitous Taste Series #1 Darkness and loneliness, that was the two girls felt. What will happen if the two different worlds collide? Can they find the light and the happiness of each other? Or it'll be another darkness in their lives? A wealth...