Chapter 38

140 8 0
                                        


Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa mini bar namin dito sa suíte. Kakatapos lang din namin kumain ng dinner.

Boung mag hapon kaming gumagala dito at doonn na din kami kumain sa Disneyland Park. Nag-aya kanina si Avery na mag bar ulit pero tinaggihan siya ng mga kasamahan ko dahil na rin sa pagod. Napag desisyonan nalang namin na dito kumain. Si Aislynn at Amaia naman yung nagluto para saamin.

The whole day ay hindi pa rin nagpapansinan sila Quisha at Yumi. Grabe yung pride ni Quisha na kaya niya boung araw hindi makipag bati kay Yumi. Nako buti nalang talaga at mukhang nasanay na si Yumi sa attitude na yan ni Quisha.

Sana talaga makayanan niya pa pag pinakita na niya yung lahat ng attitude niya.

"I'll make a drink for y'all." Sabi naman ni Quisha na pumasok as mini bar at nag umpisa na mag prepare ng mga gamit na kailangan niya.

"I want an Aperol Spritz." Request ni Avery.

"Apple Cider Mimosa"

"Bubbly Pina Colada."

"Grand 75."

Sunod-sunod na request namin sakanya. Marunong naman si Quisha gumawa ng mga pinapagawa namin sakanya. Hindi na rin niya ito first time kasi palagi kaming nag rerequest sakanya pag wala kaming magawa o trip lang talaga namin pagodin si Quisha. Buti nalang talaga at kompleto yung mini bar dito.

Sabay-sabay kaming tumingin kay Yumi kasi siya lang yung hindi nag request.

"How about you?" Simpleng tanong ni Quisha habang inaabala na yung sarili niya gumawa ng mga drinks.

"The bartender please." Yumi simply answered.

Napanga-nga naman yung mga kasamahan ko na tumingin kay Yumi. Hindi maka paniwala sa sinabi niya. Yung isa naman ay muntik na niyang mabitawan yung bote ng alak buti nalang talaga ay nahigpitan niya ng hawak.

Nakatingin lang ako kay Quisha the whole time. Kung paano namula yung pisnge niya sa sinabi ni Yumi sakanya. Kung paano siya hindi mapakali sa ginawa niya. Kung kanina ay alam niya kung ano uunahin at susunod na gawin, ngayon naman ay tinitigan niya lang yung mga sangkap sa harapan niya.

Natahimik ang lahat hindi pa rin maka paniwala sa sinabi ni Yumi. Akala ko ba nasa bar sila palagi? Hindi pa ba sila nakakarinig na ganyang banat? E halos lalaki sa bar ganyan itatanong lalo na pag maganda yung bartender.

"Sorry but the bartender isn't available." Sagot ni Quisha na nagsimula na mag gawa sa request ni Avery.

Siya kasi yung unang nag request.

"Really? Too bad. Sabi pa naman nila na ang sarap daw ng bartender. I just want to try it." Sabi pa ni Yumi.

Nabilaukan naman yung katabi kong si Amaia na umiinom pala ng tubig. I started to rub her back while she continuously cough. Kinuha ko muna yung baso niya sa kamay niya at nilagay sa countertop.

Napatingin naman saamin yung mga kasamahan namin. Natatawa naman sila Aislynn at Avery habang si Quisha naman ay tahimik lang. Bumalik siya kung saan naka display yung mga alak at kumuha ng wine. It's probably a white wine. Nilagyan niya yung wine glass bago ibinigay kay Yumi. Paborito siguro ni Yumi yung white wine.

"Tumahimik kana diyan." Quisha said after handing the wine glass to Yumi.

Tumango naman yung isa at ininom nalang yung binigay ni Quisha sakanya. Then they started to talk Aislynn, Avery at Yumi. Napansin ko rin na medyo close si Aislynn kay Yumi. Lalo na nong kakarating lang ni Yumi kanina, pinagsilbihan niya pa ito. Alam ko na sinabi ko na ganun lang talaga siya pero hindi ko maiwasan mapaisip.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon