Chapter 20

177 6 0
                                        


Nagpatuloy lang kami sa pag-kain. Nag-uusap silang tatlo habang ako ay tahimik lang kumakain. Parang nga ako yung bisita dito e. Nahiya naman ako sakanila.

"Alam mo ba ? Paborito lahat to ni Nicki." My Mom said to Amaia.

"Talaga po?" Sabi naman ni Amaia na para bang napukaw yung interes niya.

"Oo, lahat na ito pamilyar na sa panlasa niya. Hindi kasi siya kumakain na hindi pamilyar sa panlasa niya." Mom explained while looking at the table.

Tumingin naman si Amaia sa mga pagkain na nakahain sa mesa. Para bang kinakabisado niya ang mga ito. I was just looking at her the whole time. Ang cute niya kasi, halatang hindi niya alam lutoin yung nakahain sa mesa. I slightly chuckled at that thought ng biglang binalingan ako ni Amaia ng tingin. Umiwas naman agad ako habang tinapos yung pag kain ko.

"Ikaw ba anak? Anong paborito mo?" My Mom ask. I looked up to see if she's asking for me but I was wrong. Mom is looking towards Amaia's direction.

Amaia cleared her throat before answering. "Sinigang at sisig po." She said politely.

I drank the whole glass of water before wiping my mouth using a table napkin. Nilagay ko naman yun sa gilid. Ako pa lang yung tapos kumain habang si Dad naman ay malapit na.

"Ayaw ni Nicki yung maasim na pagkain." My Dad said finishing his food.

"Nasabi na niya nga po yun saakin.Binalingan ko naman si Amaia at binigyan ng nakakatakang tingin.

Nasabi ko na ba yun sakanya? Parang wala na akong nabanggit sakanya tungkol dun.

She just raised her brow at me. Napalunok naman ako sa ginawa niya, nakakakaba naman to magseryoso. Mukhang napansin niya yung ginawa ko ng biglang umangat yung sulok ng labi niya. Umiwas agad ako ng tingin sakanya. Pang ilang iwas ko na ba to? Ewan ko nalang talaga.

Natapos na sa wakas kumain si Mommy. She wipe her mouth using her own table napkin. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan bago pumasok sa kitchen.

"Kukunin niya lang yung dessert. " Dad said to Amaia.

Tumango naman yung katabi ko. Tahimik lang kaming tatlo habang naghihintay kay Mommy. Lumipas ang ilang minuto ay lumabas na si Mom galing kusina. May naka sunod din sakanyang kasambahay para tulungan siyang maghain ng dessert. Nilapag niya muna yung dala ni Mom na dessert bago niya inutusan yung kasambahay na ilapag na sa mesa yung dala niya.

Umupo naman agad si Mommy pabalik sa upuan nong makaalis na yung kasambahay. Mommy baked my favorite dessert again. Cold chocolate cake, she made a mango float too na paborito ko rin. Para naman akong natakam habang tinitignan yung mga desserts sa mesa.

"Ito naman yung paboritong desserts ni Nicki." Mom said to Amaia while slicing me a cake.

After slicing a cake my mom placed it in my plate. I thanked her before started to eat. Pinag slice din ni Mommy si Amaia at Dad bago siya umupo ulit. Everytime na may family dinner kami lagi yung paborito ko yung niluluto ni Mommy. Ewan ko bakit hindi ako nagsasawa.

Baka kasi minsan lang din naman ako pumupunta dito sa bahay.

Pag wala naman ako sa bahay order lang ako ng order ng makakain ko. Minsan naman ay nagluluto ako pag hindi tinamad. Dahil din sa trabaho ko hindi ako masyadong nakakapag-luto dahil sa pagod.

Hindi din naman nagsasawa sila Mommy kasi yung mga paborito kong pagkain ay naging paborito na din nila. Wala din naman pili sa pagkain sila Mommy.

We continue to eat while they're talking about business and staff. Kahit na interasado ako sa topic nila ay hindi nalang ako nakisali.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon