Nong nasa harap na kami ng hospital, binuksan agad ni Mark yung pinto ng backseat para makalabas ako.
"Mag hintay nalang kayo sa parking lot. Tatawagan ko nalang kayo pag tapos na kami. Ayokong pagtitinginan ako ng tao dahil sainyo." I whispered to Mark.
He nodded his head entering the passenger seat again.
"Good morning ma'am." Bati ng guard saakin. Tinanguan ko nalang siya bago pumasok sa hospital.
Isang hindi ko nakasanayan na atmosphere ang bumungad saakin. May mga taong nag-lalakad habang hawak yung dextrose ba nila yun? I don't know. May iba naman na naka wheel chair habang tulak ng isang nurse.
Hindi ko rin gusto yung baho ng hospital. Nakakapasok lang talaga ko sa hospital pag may check-up si Lily. Pag ako naman yung may sakit, pinupuntahan lang naman ako ng private doctor namin sa penthouse ko.
Nang makarating ako sa front desk, I cleared my throat to get their attention. Nagulat naman yung nurse na nagbabantay sa front desk. Nagpaalam muna siya sa kausap niya sa telephone.
"How can I help you ma'am?" She ask me politely.
Hanga din ako sa mga tao dito e. Kahit na naistorbo na kami sakanila baliwala lang nila yun at kinakausap pa rin kami ng maayos. Magaling magpatakbo yung Daddy Amaia.
"Where's the Vet clinic of Dr. Evans?" I ask her.
Kumunot naman yung noo niya bago may tinignan sa computer na nasa harap niya. Nag tipa muna siya kung ano-ano sa computer. I carried Lily with my arms. Nang umangat yung tingin ng nurse kay Lily para bang may naalala siya.
"Yung anak pala ni Sir Louevic." Sabi niya.
Tumango nalang ako kahit hindi ko kilala yung binanggit niyang pangalan. Siguro Daddy yun ni Amaia.
"Second floor right side po. Makikita niyo agad yung secretary niya dun." She said.
I nodded my head at her before turning my heels. Pinindot ko yung up button sa elevator. I waited for about a minute before it opens. Thank God at wala akong kasabay. Pinindot ko na yung second floor button ng akmang sasara na yung pinto ay may bumigil na kamay.
Kumunot naman yung noo ko. Ngayon ko lang nalaman kung sino yung pumigil pag bukas.
"Ais?" I ask her. Inangat naman niya yung paningin saakin at visible sa mukha niya yung pagka gulat.
Hindi lang din siya nag-iisa. She's with a brunette girl na kanina pa nakatitig saakin.
"Nicki, what are you doing here?" She asked frowning her brow.
Tinignan naman siya nong kasama niya. Nagulat siguro siya na magkakilala kami ni Ais. Tinignan ko lang si Lily na nasa kamay ko. Sinundan naman ni Ais at yung kasama niya kung saan ako nakatingin. Ngumiti naman si Ais nong napansin niya si Lily. Pumasok na silang dalawa.
Napagitnaan namin si Ais. Pinindot naman nong kasama ni Aislynn ng fourth floor.
"Check-up ni Lily?" Aislynn asked me.
I simply nodded my head.
"Parang ngayon lang kita nakita dito ah? Siguro hindi ka dito nagpapa check-up kay Lily noon noh?" She asked me again smirking.
I rolled my eyes and didn't answer. Nang bumukas yung elevator akmang lalabas na ako pero pinigilan ako ni Aislynn.
"Wait Ki, ipapakilala ko lang sayo yung kasama ko." She said motioning the girl beside her.
I looked at her frowning she nervously bows her head to avoid my stare. Natatakot ba siya sa tingin ko?
"She's Brianna Carly Villiarel a psychiatrist. Her father also owns a hospital." Pagpapakilala ni Aislynn sa kasama niya.

BINABASA MO ANG
Ethereal (gxg)
RomanceSerendipitous Taste Series #1 Darkness and loneliness, that was the two girls felt. What will happen if the two different worlds collide? Can they find the light and the happiness of each other? Or it'll be another darkness in their lives? A wealth...