Chapter 25

149 7 5
                                        


Tinupad nga ni Amaia yung sinabi niyang gagawa siya ng paborito kong dessert. Yung nga lang knikulit siya nong dalawa sa kusina. Ilang beses ko na sila pinaalis pero ang mga bruha ay hindi nagpapa-awat. Dahil sa inis, ako nalang yung bumalik sa kinauupuan ko. Buti nalang talaga at hindi pa nakisali si Aislynn, siya din naman yung pinaka-matino sakanilang tatlo.

Nagbabasa lang siya ng magazine na naka pwesto pa rin sa likuran ko. Napa buntong hininga nalang ako bago umupo sa pwesto ko. Bumalik nalang ulit ako sa pagtatanaw ng bintana. Madalim na yung kalangitan kaya baka nasa 6pm na ngayon sa Pilipinas. I'm a little worried kasi baka nagka problema na yung company pero lagi ko rin iniisip na pagkakatiwalaan ko yung mga employees ko.

"What's the score between you and Amaia?" Biglang tanong ni Aislynn saakin.

Napansin niya ba yun? Well, she's not a General doctor for nothing. Mukhang kay Aislynn ko unang masabi ha. Better luck next time Quisha.

"We're just friends." Sagot ko naman sakanya habang sinasandal yung likod ko sa upuan.

Knowing Aislynn hindi niya ako titigilan kung hindi niya marinig yung gustong sagot niya. She's like Quisha but a calmer version.

"I know you Ki, everyone knows that you have a thing for Amaia." Maririnig mo talaga yung pagka-seryoso sa boses niya. Atleast hindi niya ako inaasar right? Hindi ko lang siya sinagot at tahimik nalang pinagmamasadan yung madilim na kalangitan. Ano ba dapat isasagot ko? Kahit pa e deny ko alam na niya. "At akala mo ba na hindi ko alam yung hawak kamay niyo sa ilalim ng mesa kanina?" She said chuckling.

Napabuntong hininga ulit ako. Siya pala yung katabi ni Amaia kanina. Buti nalang talaga at tahimik lang to si Aislynn, kasi kung si Avery o Quisha yung nakakita panigurado walang tigil na asar aabutin saamin.

"You like her, right? When are you going to take her on a date?" She asked again.

Isa din yun sa problema ko. Hindi ko alam yung paano, saan, at anong gagawin. May naka date na ako pero iba kasi yung noon at ngayon. Noon, yung mga lalaki nagyayaya saakin. Ngayon, ako na yung magyayaya.

"I don't know..." I honestly said to her.

Narinig ko yung pag buntong hininga niya bago tumayo sa kinauupuan niya. Pinag-masdan ko lang siya habang umupo sa pwesto ni Amaia. Nilagay niya yung elbow niya sa tuhod niya habang pinag-kislop niya yung parehong kamay niya.

"Amaia is beautiful and I know you knew it already." Panimula niya. Tumitig siya sa mga mata ko, gawain ni Aislynn pag seryoso na yung pag-uusapan. "Madami akong naririnig sa hospital na andaming nagkakagusto kay Amaia."

Tumaas naman yung kilay ko sa sinabi niya. Hindi na rin ako magtataka kasi maganda naman talaga si Amaia. Para siyang si Aphrodite, goddess of beauty.

"Pero wala siyang pinakitaan ng interest kasi dahilan niya ay focus muna siya sa trabaho. But they all know that's not the reason." Amaia said resting her back to the sit.

"What do you mean?" I asked her frowning.

"She's been in a relationship way back college, I think? But the man cheated on her." Sabi ni Aislynn na nagpabuhay ng galit sa dibdib ko.

What the fuck?! Sinong gago naman ang gumawa non? God knows how I despise cheaters. Kahit na sabihin nila na may rason sila yung bakit nila yun nagawa. Walang valid na reason ang mag cheat.

"And she thinks that she's the karma of her father doings way back when she's still a kid."

Her father's karma? Why? Ano ba ginawa ng Daddy niya noon para maranasan ni Amaia yun? Don't tell me her father cheated? Yun lang naman yung rason diba? Yung magiging karma nila ay sa panganay na babae ang magbabayad.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon