Chapter 61

87 5 0
                                    


It's been a week since lunch with my friends happened. Simula din yun ay kinukulit ako ng kaibigan ko. Nalaman kasi nila kung anong nangyari bago kami naka punta sa restaurant. Pinaulanan nila ako ng mga katanongan na kahit isa ay hindi ko sinagot.

They invited me again to the bar to celebrate Amaia's welcome party after that lunch. Pero tumanggi ako, hindi dahil sa ayoko talaga sumama kung hindi ay marami lang talaga akong dapat tapusin. Alam naman nila na palapit na yung opening sa hotel ko pero hindi ko alam bakit kinukulit pa rin ako ng mga kaibigan ko na sumama.

As a punishment, ako raw ang bahala sa mga inumin sa susunod na bonding. Mapapahamak ata yung wallet ko sa susunod. Panigurado hindi na ako makakatanggi sa susunod kasi pinagbigyan na nila akong tumanggi a week ago.

I was busy typing on my laptop when I heard a knock on my office door. Tumunog din yung phone ko na nasa gilid lang ng laptop ko. Rachel messages me that Brianna is here. Obviously si Brianna yung kumakatok kasi hindi na din naman alam ni Rachel yung salitang katok.

"Come in." I shouted looking back to my laptop.

Narinig ko naman yung yabag ng heels na papalapit saakin. The natural rose scent invades my nostril. Ito lang talaga yung gusto ko kay Brianna, yung pabango niya. But I like the strawberry scent more.

"What's up Ki?" Brianna greeted taking a seat from the visitor's chair.

"Yeah? Do you need anything?" I said, taking my gaze off my laptop. Tinignan ko naman siya na komportable naka upo sa upuan.

"Wala naman." She said taking my water bottle.

Umirap naman ako nong uminom siya sa water bottle ko mismo. Buti nalang talaga at hindi pa ako uminom don. I heave a sigh, leaning my back to my swivel chair.

"What do you want? Hindi ka naman siguro nagpunta dito para lang uminom ng tubig diba?" Masungit kong saad sakanya.

Natatawa naman siyang sinirado yung water bottle bago punasan yung labi niya.

"Nope, I'm here because I wanted to tell you in person that my dad wants to talk to you." She said leaning to her chair.

I raised my brow questioningly. That's new, nakakausap naman kami ni tito noon pero hindi dahil sa business. Ngayon mukhang business yung pag-uusapan namin kasi pinuntahan pa talaga ako ni Brianna. Siguro importante din to.

"Yeah? Why?" I curiously asked her.

"I don't know. Maybe it has something to do with your hotel in Tagaytay." She said shrugging her shoulder.

Brianna is the new owner of her father's hospital pero kahit na siya na yung namamahala non hindi ko talaga alam kung bakit parang puppet siya na sunod nang sunod sa dad niya.

"Why? Does he want to invest in my hotel there?" I asked.

"Aba ewan ko, wala namang sinabi si dad saakin noh." She said while rolling her eyes at me.

Napabuntong hininga nalang ulit ako. Minsan talaga wala din tong kwenta kausap e. Siguro nahawaan na siya sa mga pasyente niya.

"Whatever." I said dismissing the topic.

Ipagpapatuloy ko na sana yung ginagawa ko sa laptop nong mag salita ulit siya.

"So, your ex is back. Ano na gagawin mo ngayon? Do you have a plan?" She asked curiosly. Lumapit pa talaga siya sa table ko para makita niya magiging reaction ko.

I just remained my serious face. "What do you mean?" I asked not removing my gaze on my laptop.

Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam na nakauwi na si Amaia. Hindi din naman sinabi ng parents niya saakin. Nakakausap ko lang din naman yung parents niya sa mga business gatherings. Huli nong business gathering ngayong taon, that was 2 weeks ago kaya sigurado akong hindi pa nakauwi si Amaia non.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon