Chapter 53

108 7 0
                                        


"Her friend from Harvard talked to me. She said that 3days from now the class will start." Amaia's Dad said. Nandito ako sa bahay nila Amaia kasi tinawagan ako ng Mommy niya.

Hindi ko din sinabi kay Amaia na pupunta ako sakanila kasi yun ang gusto ng Mom niya. Wala din siya dito ngayon kasi abala pa siya sa hospital.

Napayuko nalang ako sa sinabi niya. Nandito kaming tatlo sa office ni Mr. Evans, nakita ko yung kapatid ni Amaia kanina pero mukhang hindi niya ako napansin. Mabuti na din siguro yun kasi baka sabihin niya pa ito kay Amaia.

"Take a sit hija. " Tita Amelia softy uttered.

Tumango naman ako bago umupo as tabi niya, si Mr. Evans naman nasa swivel chair niya. It's only been 2 weeks when the Intramuros date happened. Hindi ko inexpect na mapapaaga to. Akala ko may isang buwan pa kaming dalawa.

"I will only give you this day to break up with her." His cold voice remains. "Hindi na problema yung enrollment niya kasi kami na mismo ng Mommy niya gumawa non without her knowing."

Tumango ako habang hindi sila tinitignan. Sa totoo lang, malapit na sumabog yung ulo ko dahil sa daming iniisip. May panibagong problema na namin kasi sa company. May nagpapakalat ng picture ko at sinasabi na ako daw yung anak ni Nike Avellino. Pero buti nalang talaga at nakatalikod ako don sa litrato. Pero alam ko kung sino man nakakilala saakin mapapansin talaga yun kahit pa nakatalikod ako.

Hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung sino ang taong may pakana nong last vacation namin at ngayon na problema. I already know who it is but I don't have enough evidence to prove that.

"I want to hear your answer Ms. Avellino." Napatingin ako kay Mr. Evans nong nagsalita ulit siya.

Bumuntong hininga muna ako bago labag sa loob na tumango. "Can you help me? Sigurado kasi akong hindi papayag si Amaia kung wala akong dahilan masabi sakanya."

Nagkatinginan naman yung mag asawang Evans, bago sila tumingin saakin at sabay tumango. Pilit naman akong ngumiti sakanya bago sinabi yung gusto kong gawin na kailangan yung tulong nila. Kahit sobrang bigat sa puso ko yun nagpatuloy pa rin ako sa pagpapaliwanag sakanila at paniguradong isusumpa ako ni Amaia sa gagawin ko.

"I just want to ask you another favor." I said looking to the both of them. Tumango naman si Mr. Evans gesturing me to continue. "While doing that, give me this day to spend time with her."

"Sure hija, I'll call Amaia right away. Saan ba kayo magkikita?" Tita cheerfully asks me trying to lighten my mood.

Nagtagumpay naman siya kasi napangiti niya ako. No doubt she's Amaia's mom.

"I will fetch her nalang po tita." She nodded standing up from her seat.

Tumayo na rin ako sa upuan ko para makaalis na agad. It's already 10am in the morning. Malapit na rin yung lunch time.

"I will be going." I said to Mr. Evans while bowing my head slightly.

Tumango lang siya saakin bago binalik yung tingin sa papeles na nasa table niya. Tinignan naman ako ni Tita bago binigyan ulit ako ng ngiti. Sinamahan niya akong lumabas sa office papunta sa front door nila.

"Thank you for doing this, Nicki. My daughter is very lucky to have you." Tita softly said while we are going down the stairs.

"This is what I should do tita. I will be lying if I would say that it's okay to me." I said turning to face her.

Binigyan ko siya ng pilit na ngiti nong nakita kong naka tingin na siya saakin wearing those apologetical smile.

"We know that this will be hard for the both of you. Pero diba? Hindi naman talaga mawawala yung ganto sa isang relasyon." She said giving me her sad smile.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon