Chapter 26

161 7 0
                                        


Napag desisyonan namin na hindi nalang matulog. Tutal malapit naman na kami makarating sa LA. Our pilot announced it kanina lang. 1hr nalang at dadating na kami sa LA. Nasabi na rin ni Quisha saakin na nakapag book na siya ng suíte sa InterContinental. Hindi pa ako nakapag stay don pero sabi ni Quisha maganda daw don. May bar sila sa hotel na makikita mo talaga yung LA.

Hindi na rin kami tumutol kasi alam naman namin na pipiliin talaga ni Quisha yung 'the best' lang. 19 minutes lang din yung biyahe galing airport papuntang hotel kaya okay lang. Nag-uusap pa rin sila nong matapos kaming kumain ng dinner. Hindi nakisali si Amaia kasi mukhang nakatulog na sa pwesto niya. Malaya ko siyang pinagmasdan ngayon habang mahimbing yung tulog niya.

Okay lang saakin kahit na wala akong tulog basta katabi ko siya. Sobrang aliwalas ng mukha niya pag natutulog, mas lalo siyang gumaganda. Medyo namumula yung pisnge niya na kala mo talaga may make up siya. Ito din yung isa sa rason kung bakit ko siya nagustohan. Nakita kong hindi siya masyadong naglalagay ng make up sa mukha niya. Sa bar ko lang siya nakikita na may make up pero light lang din yun.

Well, kahit wala namang make up sobrang ganda pa rin niya. She has this natural beauty na kahit wala siyang make up ay andami pa rin nagkakagusto sakanya. Natural na namumula yung pisnge at kulay rosas yung labi niya.

"Kalamahin mo, baka matunaw yan." Narinig kong sabi ni Quisha.

Kahit kailan talaga tong babae to CCTV. Nakikita at napapansin lang niya lahat. Hindi ko nalang siya pinansin at sumandal na lang sa upuan. Nang biglang nag announce yung pilot na kailangan mag seatbelt ulit kasi nasa LA na kami.

Tinignan ko si Amaia na hindi man lang narinig yung announcement at ang himbing pa rin ng tulog niya. Tumayo ako sa kinauupoan ko para isuot yung seatbelt niya. Nang matapos ako ay pinagmasdan ko yung mukha niyang natutulog. Her mouth is slightly ajar. Buti nalang talaga hindi siya tulog mantika.

Medyo natawa naman ako sa naisip ko nakatingin pa rin sa magandang mukha ni Amaia. Inalis ko yung buhok niyang tumatakip sa mukha niya. Kahit yung buhok niya ng lambot at smooth rin kagaya ng kutis niya. Malalaman mo talaga agad na sobrang alaga nitong si Amaia.

Bumalik na agad ako sa upuan ko at kinabit yung sariling seatbelt. 20 minutes have passed we safely land in the LA international airport. Natawa ako ng kunti nong nilingon ko si Amaia at nakita kong tulog pa rin siya. She's a heavy sleeper and its cute.

Tinanggal ko na yung seatbelt ko at nag inat. Ganun din yung ginawa ng mga kaibigan ko habang yung flight attendant ay abala sa pagkuha ng mga gamit namin. Naglakad naman si Shania papunta sa pwesto namin ng akma niyang gigisingin si Amaia ay pinigilan ko agad siya.

She looked at me frowning before nodding her head.

"Ready na po yung limousine sa baba ma'am." Shania said bowing her head before turning her heels to get our luggage.

Napabuntong hininga naman ako. Sino naman kaya yung nagpa book ng limousine? Wala naman akong narinig sa mga kaibigan ko tungkol diyan. Sinenyasan ko yung mga kaibigan ko na mauna na silang lumabas. Tinignan muna nila ako bago dumako yung tingin nila kay Amaia na hanggang ngayon ay natutulog pa rin.

Sabay silang tumango bago sumunod sa mga flight attendant bumaba. Nilingon ko naman agad si Amaia at yumuko para mapantayan ko siya. Inalis ko muna yung seatbelt niya bago ko hinawakan yung balikat niya.

"I don't want to wake you up but we're here Amaia." I softly wake her up. Umungol lang siya bilang sagot kaya medyo na tawa ako sakanya. "Amaia wake up. Tayo nalang yung nandito." Pag-gigising ko sakanya na mahinang niyuyuyog siya.

She turned her head to face me and she slowly opened her eyes. Nakatitig lang siya sa mata ko wearing a sweet smile to her lips.

"I like your eyes, it reminds me of your favorite dessert." Wala sa sariling sabi niya.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon