Chapter 40

131 7 0
                                    


We are currently busy preparing our stuff. It's already 11am and we ate an early lunch a while ago.

Nandito na rin si Ryuu kasi sabi niya ay ihahatid daw niya kami. Kanina pa rin naka busangot si Amaia. Natatawa nalang ako kasi para siyang aso ko sunod ng sunod saakin, buti nalang talaga at abala yung mga kasamahan namin kaya hindi masyadong napapansin si Amaia.

Mukhang si Avery at Quisha nga ay may hangover pa. Matapos kasi nilang manood kagabi ay uminom sila. Ewan ko nga bakit naglasing yung dalawa alam naman nila na uuwi na kami ngayon kaya ayon iniinda yung sakit ng ulo.

Mukhang ayaw pa nga nila umuwi e pero wala silang magagawa kasi kailangan na din umuwi. Madami kaming naiwan sa kanyang-kanya naming mga trabaho.

Nilabas ko na yung mga gamit ko. Bumili din kami nong nandito pa si Cooper ng mga pasalubong namin sa mga naiwan namin don sa Pilipinas.

Nasa living room na din silang lahat at mukhang ready na umalis. Si Quisha at Avery ay naka upo sa dalawang single sofa habang yung tatlo naman ay nakatayo lang. Si Amaia naman ay kinukuha pa yung gamit niya. Ang bagal niya din kumilos e, mas pinili niya akong samahan kesa sa kunin niya yung gamit niya.

I put my luggage beside Aislynn luggage. From talking to Ryuu she then look at me giving me her sweet smile. I just nodded at her and give her a small smile. Pinag-patuloy nila agad yung pinag-usapan nila. Mukhang tungkol yun sa business kasi mukhang seryoso yung pinag-uusapan nila.

Saktong paglabas ni Amaia sa room nila ay tumunog din yung phone ko. I frowned while getting my phone inside my pocket. Rachel is calling me. Throughout our vacation ngayon lang siya tumawag saakin. Sana naman ay hindi bad news to. Alam din niya na ngayon kami uuwi para aware siya na papasok na ako sa Monday.

"Hello." I answered from the other line.

Sobrang ingay niya sa kabilang linya. Saturday pa ngayon kaya may trabaho pa sila. Itong tumawag saakin mukhang sobrang abala pa kasi hinihingal pa ito.

"We have a problem po ma'am." Rachel said panting.

My brows frown because of what she just said. Kakasabi ko pa nga lang na sana wag bad news e.

"What seems to be the problem?" I said while looking to Amaia.

Nilagay niya din yung luggage niya beside my luggage. Naka kunot din yung noo niya noong makita akong nakakunot ang noo ko.

"Someone just posted an article saying that you will be arriving tomorrow in the morning." Maririnig mo talaga yung pagka-taranta niya.

Nasa IT team na siguro siya ngayon.

"Damn it." I hissed in whisper but I think everyone heard it. Nakita ko na parang gusto nila magtanong pero pinipigilan lang nila yung sarili nila. Nakatingin na rin silang lahat saakin. "Make sure you will delete all of the articles that has an information of me arriving tomorrow. To make sure na din please tell the airport na dapat walang makakapasok na kahit isang taga media. Yung limousine ay dadalhin pakisabi kela William and dapat na kasama ka. Make sure you will bring more guards, understood?"

"Yes ma'am. I'm working on it."

"Good. Siguradohin mo na wala na yang mga articles pagka-baba ko sa private jet."

"Copy ma'am." She said before I ended the call.

Bumuntong hininga muna ako bago ibinalik yung phone ko sa pocket ng jeans ko. Akala ko pa naman na walang magiging problema tong vacation na to pero mukhang humabol pa talaga yung problema.

At sino naman ang nag bigay ng impormasyon na bukas ako uuwi. As far as I can remember only my family, William, Mark, and Rachel ang nakakaalam.

"What's the problem Ki?" Aislynn ask. Hinawakan naman ni Amaia yung braso ko habang hinihimas yung likod ko trying to calm me down and it's slowly working.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon