Chapter 64

108 6 0
                                        


So, I decided to write this chapter para masagutan lahat ng katanongan niyo tungkol don sa sinabi ng Daddy ni Amaia noon.

Sana lang talaga at nasagot ko yung mga katanongan niyo sa pamamagitan ng flashback nong nag-uusap sila magkakaibigan including Cooper.

So, Enjoy!

~~~

2 years ago...

"Natapos mo na ba yung trabahong pinapagawa ko sayo?" I coldly asked Rachel, who was in front of me now.

Nakita ko naman kung paano siya umiwas ng tingin saakin. "Y-yes ma'am, n-napaalis na po namin yung taga media sa entrance at na cancel ko na po lahat ng gusto mag interview sainyo." She said stuttering a little.

Tumango naman ako habang nakatingin sa mga papeles na nasa mesa ko. Hindi lang yung mga importanteng papeles yung nandito pati na din yung mga mails na pinapadala galing sa mga network na gusto akong ma interview.

Simula nong pinakilala ako ng Dad ni Amaia sa business gatherings ay parang sumikip yung mundo ko. Ang dami ko ng hindi nagagawa simula nong nagpakilala ako. Unti-unting nawawala na yung privacy ko.

Simula din yun ay araw-araw na may media na naghihintay saakin sa labas ng company ko. May iba ngang desperado na muntikan ng makapasok sa likod ng company ko kung saan ako dumadaan. Buti nalang talaga at nagpadagdag ako ng guards non kaya napigilan nila agad.

Nagtatago din ako tuwing umaalis o may bibilhin sa pamamagitan ng pagsuot ko ng mga jackets o kahit anong damit na matatago yung mukha ko. Daig ko pa ang artista kung makatago.

Nagpasalamat din ako kasi hindi nila alam yung address ng penthouse ko. Yung address lang ng bahay nila Mommy. Pagkatapos nong gathering ay madami din media pumunta sa bahay nila Mommy non kinabukasan. Pero simula nong nalaman nila na hindi na ako nakatira don ay tumigil din naman sila agad.

Nag-aalala sila Dad saakin kaya binigyan ulit nila ako ng dalawang bodyguards. Sabi nila ay dagdag protection saakin. Ayoko na nga sana pero si Mommy na mismo nagsabi, pag sinabi talaga ni Mommy wala na akong ibang magawa kung hindi ay sundín siya.

Sinenyasan ko naman si Rachel na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan ko. Tumango naman siya before she slightly bows her head.

Binaliwala ko nalang yun at kinuha yung mga mails na wala naman akong planong basahin. Agad ko naman tong tinapon bago inabala ulit yung sarili ko sa pag peperma.

Dumating yung lunch time ay inutusan ko nalang si Rachel ng bumili ng makakain ko. Hindi din kasi ako nakapag breakfast kanina. Well, hindi naman talaga ako kumakain ng breakfast noon pa lang.

Dito lang din ako kumain sa opisina ko, na dati pa lang ay ginagawa ko na.

Pagkatapos kumain ay balik ulit ako sa pagbabasa at pagpeperma.

Nasabi ko na ba sainyo na kinukulit ako ng board of directors? Gusto nila mag meeting kami about don sa pagpapakilala ko nalang daw bigla. Nandon din kasi sila nong time na yun. Bakit daw hindi ako nanghingi ng permiso o bakit daw hindi ko pinaalam sakanila na magpapakilala na pala ako.

Like, kailangan pa ba talaga magsabi o manghingi ng permiso sakanila? Buhay ko naman to at hindi naman nila hawak yung buhay ko. Hindi rin sila yung parents ko para sabihin pa sakanila yung bagay na yun.

Hindi ako pumayag sa meeting ngayon kaya hanggang ngayon ay kinukulit nila ako. Nakikisali pa sila sa mga taga media e. Pinapasakit lang nila lalo yung ulo ko.

Ethereal (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon