Ilang minuto na yung lumipas pero wala pa rin nagtangka magsalita saamin. Gulat pa rin yung lahat sa sinabi ni Amaia.
Si Ryuu yung naunang maka recover kaya tinggap niya yung kamay ni Amaia.
"Nice to meet you Amaia. I'm Ryuu." He introduced himself.
Seryoso pa rin yung mukha ni Amaia na nakatingin sa kamay nila. Naiilang namang binitawan ni Ryuu yung kamay niya at pinasok nalang sa bulsa niya. Amaia just crossed her arms to her chest while seriously looking at me. Napalunok naman ako sa tingin niya. Wala naman akong ginagawang masama ah?
"Let's go?" Ryuu said.
Binuksan naman niya yung pintuan ng limousine. Kaya pala e, kilala siguro to si Ryuu dito LA kaya nakapasok tong limousine dito. Nauna yung mga kaibigan kong pumasok. Nagkatinginan muna kami ni Amaia nang bigla niya akong tinaasan ng kilay. Napalunok muna ako bago naunang pumasok.
Nakapwesto yung mga kaibigan ko sa gilid habang kaming tatlo naman ni Amaia ay sa gitna. Nilibot ko yung paningin ko sa loob ng limousine. Sobrang yaman na talaga ni Ryuu ngayon, I'm proud of him. Ang ganda ng interior sa loob malalaman mo talaga na sobrang yaman nong may-ari.
"By the way Ryuu, paano mo nalaman na pupunta kami dito?" Aislynn ask him.
Nilagay naman ni Ryuu yung dalawang siko niya sa tuhod niya bago pinagkislop ang parehong palad. "Nicki's Dad called me." He answered him.
"May communication pa pala kayo." I said while looking outside the window.
Ang ganda pa rin talaga ng LA. Kaya siguro andami ring gustong pumunta dito. Andami din kasi naka tirang Hollywood actor and actress dito. Wala pa akong masyadong nakikitang naglalakad na tao, yung ibang may mga shop din ay kakabukas lang. Masyado pang maaga dito sa LA kaya siguro wala pa masyadong tao.
"C'mon Ki ngayon lang din naman kami nag-usap ni tito. Buti nalang talaga hindi pa ako umalis papuntang UK." He explained to me.
Yung dalawa kong kaibigan ay busy na sa pag-iinom ng red wine na nakalagay dito sa loob. Kahit talaga tong dalawang to, si Aislynn naman ay abala din sa pagkalikot ng phone niya. Itong katabi ko naman ay tahimik lang. Seryoso pa rin siya ngayon kaya ang ginawa ko ay nilagay ko yung kamay ko sa tuhod niya. I squeezed it to calm her down.
"Kunti nalang talaga Ki iisipin ko na nagtatampo ka." Sabi pa ni Ryuu na medyo natatawa pa.
Nang aasar na naman to. Nakita ko kung paano kinuyom ni Amaia yung palad niya na nasa lap niya. I squeezed her hand, baka kasi masapak na niya si Ryuu. Hindi ko alam na napaka selosa pala niya. Napangiti naman ako sa naisip ko ng bigla niya akong nilingon. Kinagat ko agad yung lower lip ko to stop myself from smiling. Inismaran niya lang ako bago binalik yung paningin niya sa harapan.
"Whatever." Sagot ko nalang kay Ryuu.
"Ryuu means a dragon spirit in Japanese right?" Tanong ni Amaia.
Paano niya naman nalaman yun?
"Yes, mahilig kasi yung mga magulang ko sa anime." Paliwanag naman ni Ryuu na tinanguan lang ni Amaia.
Hindi nag-tagal ay nakarating na kami sa hotel. Parang company lang yung exterior ng hotel, sobrang ganda. Naunang pumasok yung mga kaibigan ko habang yung mga bellboy naman ay kinukuha yung mga luggage namin.
"Don't tell me this is your hotel?" I ask him to confirm.
Nakita ko kasi kung paano siya nirespeto nong bellboy kaya I assume na siya yung mag-ari nito.
"Okay, I won't tell you." Sagot naman niya saakin.
Nilingon ko nalang si Amaia. Abala siya as kakatingin sa paligid namin, seryoso pa rin yung mukha. Kanina pa din siya tahimik, hindi ako sanay. Distance din siya masyado saakin and I hate it. Kainis kasi tong si Aislynn masyadong honest, sana sinabi niya lang na bestfriend ko si Ryuu na totoo din naman.

BINABASA MO ANG
Ethereal (gxg)
RomanceSerendipitous Taste Series #1 Darkness and loneliness, that was the two girls felt. What will happen if the two different worlds collide? Can they find the light and the happiness of each other? Or it'll be another darkness in their lives? A wealth...