Slight SPG Warning: Not suitable for young readers or sensitive minds. Just skip this chapter if you're not that openminded lol.
~~~
It's already 7pm in the evening. Nasa thunderbolt bar na kami ngayon. Tatlong oras din kaming naglibot-libot sa Olvera street kanina.
Kumakain lang kami ng iba't ibang street food na binibinta nila don. Sana nga lang hindi sumakit yung tiyan namin kinabukasan. Halo-halo na yung nasa tiyan namin.
Dumiretso agad kami dito nong nagdilim na. 4 minutes lang din naman yung byahe papunta dito sa bar. The interior of the bar is very calming. Para ka lang nasa bahay niyo na makikita kadalasan sa Pilipinas. Sobrang calming din ng paligid kasi walang mga wild music na hindi kagaya sa bar ni Quisha.
Abala lang yung lahat sa pag-uusap habang sumisimsim sa mga inumin nila.
Nasa VIP kami ngayon. Katabi ko si Amaia habang nasa harapan naman namin si Aislynn at Avery habang si Quisha naman ay naka pwesto sa harapan namin pareho. Mukhang hanggang ngayon ay wala pa rin sa mood kasi sobrang tahimik.
Ginagawa niyang tubig yung alak kasi kanina pa niya nilalagok ng diretso. We didn't mind her nalang kasi baka mas lalong mawala lang sa mood to kung kukulitin pa namin.
Yung tatlo lang yung nag-uusap habang kami ni Quisha ay tahimik lang. Sumisimsim rin ako ng red wine para naman matunawan ako sa lahat ng kinain namin kanina. Yung tatlo naman ay nag order ng isang bote ng tequila.
Si Quisha naman ay nag order din ng isang bote na Balkan 176 Vodka. Jesus Christ, isa yan sa pinakalakas na alcohol percentage sa mundo. Papatayin niya ba yung sarili niya?
Siguro dalawang lagok ko lang yan malalasin na ako. Buti nalang talaga mataas yung alcohol tolerance ni Quisha pero napapansin ko na lasing na siya. Hindi ko na mabiling kung pang ilang lagok yung nagawa niya. Malapit na rin niya naubos yung bote.
Sigurado ako papatayin siya sa hangover kinabukasan. So I decided to stop her. I think she had enough.
"That's enough." Pag pigil ko kay Quisha habang kinukuha yung shot glass sa kamay niya.
Natigilan naman yung tatlo sa pag-uusap at tumingin saamin ni Quisha.
"Wag kang kj Ki." Quisha drunkenly said habang pilit niyang inaabot yung shot glass saakin.
Pero binigay ko lang yun kay Amaia para hindi na maabot ni Quisha.
Quisha just pouted habang nakatingin sa shot glass na nasa gilid na ni Amaia. Pulang-pula na yung mukha niya at sobrang nagpupungay na yung mata niya na mukhang any minute from now ay mag pass out na to.
Bumuntong hininga siya at inihiga yung ulo niya sa mesa. Kinuha ko naman yung bote nong vodka na malapit na maubos at inilagay sa gilid ni Amaia na naging dahilan ng paglapit ng mukha namin sa isa't isa.
Nakatitig lang si Amaia saakin the whole time kaya nong mailagay ko na yung bote ay tinignan ko siya. Wrong move at kasi muntikan na maglapat yung labi namin, buti nalang talaga ay natigil ko. Pero ang lapit pa rin ng mukha namin.
May narinig kaming tumikhim kaya dali-dali akong umupo ng maayos. Tinignan ko naman sila Aislynn na naka ngisi na habang pa balik-balik yung tingin saamin ni Amaia.
Umiwas ako ng tingin at tinignan ko nalang si Quisha.
"What's wrong with you?" I ask Quisha frowning.
Nakapikit yung mata niya pero alam kong hindi pa siya tulog. Nilalaro niya pa kasi yung daliri niya.
Infairness ang haba din ng mga daliri niya.

BINABASA MO ANG
Ethereal (gxg)
RomantikSerendipitous Taste Series #1 Darkness and loneliness, that was the two girls felt. What will happen if the two different worlds collide? Can they find the light and the happiness of each other? Or it'll be another darkness in their lives? A wealth...